Totoo nga ba ang usap-usapan na mayroong mga nakatagong ginto na inilibing sa lupa, noong unang panahon? Marami ng mga kwento na di umano ay may mga nahukay na ginto sa lupa na nakita ng isang pamilya.
Mayroon daw kasing isang pamilya na nakahukay ng mga gintong barya na sinasabing ito ay ibina0n ng ika-15 siglo pa. Natuklasan ng naturang pamilya ang mga ginto ng sila ay maghukay sa kanilang hardin.
You May Also Read:
Kawawang Magkakapatid,Tinitiis Kainin ang Toyo, Niyog at Asin Matapos Maulila sa mga Magulang.
Ayon sa ulat ng British Museum, ang nahukay raw na mga ginto ay isang koleksyon ng apat na barya na naglalaman ng inisyal ng mga asawa ni Henry VIII na sina Catherine ng Aragon, Anne Boleyn at Jane Seymour.
Ang naturang 63 mga gintong barya raw ay natagpuan sa lugar ng New Forest ng Hampshire. Ang mga ginto raw na ito ay makasaysayan sa panahon ng mga British.
Samantala, dahil raw kasi sa pand3mya ay naisipan ng pamilyang ito na magbungkal sa kanilang hardin. Subalit hindi nila akalain na makakahukay sila ng mga siglong ginto na milyon ang katumbas na halaga.
Sinasabing ang mga gintong ito ay nabibilang sa higit 47,000 na mga natuklasan na nakarehistro sa Portalbe Antiquities Scheme ng British Museum na may 6,251 na mga natuklasan na iniulat noong unang l0ckd0wn sa United States.
Ayon kay John Naylor, na mula sa Ashmolean Museum sinabi nito sa isang Portable Antiquities News na hoard siguro daw ay itinago ito ng isang mayamang mangangalakal o klerigo na natatakot kay Henry VIII sa panahon ng Dissolution of Monasteries ito ay kung saan kinontrol niya ang mga maraming mga pag-aari ng relihiyosong pamayanan.
Marami daw mga monasteryo at mga simbahan na sumubok na itago ang mga kayamanan dahil umaasa silang mapanatili nila ito ng matagalan.
Subalit dahil sa himagsikan ay lumipas ang mga siglo na hindi na muling nahukay ang mga ito.
You May Also Read:
Matandang Nagtitinda ng Gulay, Pumayag Humalik Sa Paa Ng Isang Vlogger Kapalit Ng Pera
0 comments :
Post a Comment