Sa paparating na eleksyon, kanya-kanyang pambato ang ating nakikita lalo na ngayon sa social media. May mga taong nagbabatuhan ng iba’t-ibang isyu patungkol sa kanilang sinusupurtahan na kandidato.
Ang masakit lamang ay may mga relasyong nasisira dahil lamang sa kanilang magkataliwas na argumento. Minsan ay may mga tao pang personal na apektado dahil napag-uusapan na rin ang pisikal na kaanyuan nito.
You May Also Read:
Kawawang Magkakapatid,Tinitiis Kainin ang Toyo, Niyog at Asin Matapos Maulila sa mga Magulang.
Katulad nga ng Presidential candidate na sina VP Leni Robredo at Former Sen. Bongbong Marcos na ngayon ay magkatunggali sa pagpapatakbo bilang Presidente ng bansa. Ang kanilang mga taga suporta ay nagbabatuhan ng iba’t-ibang argumento kung bakit mas nararapat ang kanilang kandidato.
Samantala, isang netizen na may kapansanan ang kamakailan ay nilait at kinutya ng mga kakampink (supporters ni Robredo) dahil sa kanyang pagsuporta sa dating senador.
Si John Paul Pabalan ay isang PWD dahil bulag ang kanyang isang mata.
Sa mga screenshots na kumalat sa social media, makikita kung paano insultuhin ng ilang supporters ni Robredo ang isang person with disability (PWD) dahil sa kanyang paniniwala sa pulitika.
Narito ang ilang screenshots:
Naglabas naman ng saloobin si Pabalan matapos na mag-viral ang kanyang mga larawan. Aniya, hayaan nalang daw ang mga taong nanlalait sa kanya dahil hindi na mababago pa ang kanilang mga asal.
“Hayaan nyo na lang po sila hindi na natin mababago ang kanilang asal. Nagpapasalamat po tayo at maswerte narin kasi may magulang tayong tinuruan tayo ng magandang asal, paggalang at respeto sa pananaw at paniniwala ng ibang tao. Magkaiba man ang ating pananaw at paniniwala sa ating iboboto ang mahalaga wala tayong sinasaktan na tao kung edukado man ito o hindi at inaapakang tao kaibigan man natin o hindi. Marunong tayong gumalang at umunawa.”
You May Also Read:
Matandang Nagtitinda ng Gulay, Pumayag Humalik Sa Paa Ng Isang Vlogger Kapalit Ng Pera
0 comments :
Post a Comment