Kahit may pandemya ay hindi tumigil ang buhay ng bawat isa, bagkus may mga nadiskubreng bagong libangan at mga pinagkakakitaan na naaangkop sa panahong ito. Mayroon ding mga bagay na nabigyang pansin dahil sa pamalagiang nasa bahay tulad na lamang ng pagtatanim na kung tawagin sila ay “Plantita/Plantito”.
Bukod sa mahihilig sa halaman, naging patok na trabaho din ang pagiging delivery rider gamit ang motorsiklo o di kaya ay bisikleta. Katulad ni Tatay Manny Herrera siya ay bumili rin ng bisikleta ngunit ito ay mula sa kanyang pinag-ipunang barya barya.
You May Also Read:
91-Anyos na Matandang Gumagapang, Napakanta sa Kabila ng Kapansanan.
Si Tatay ay isang butcher sa palengke. Ayon kay Manny, “Nag-resign ako sa pagiging butcher noong 2015. Nagtayo kasi kami ng tindahan noong last quarter ng taon na iyan. Kailangan ni misis ng katulong sa pagtitinda kasi nahihirapan na siya.”Ibinahagi rin nito ang kuwento ng kanyang mga naipon na ten-peso coins.
Ayon kay Tatay, “Nalilito kasi ako doon sa sampung-pisong barya at sa limang piso. Napagkakamalan kong pareho. Kaya ang ginawa ko, pinaghihiwalay ko. Magkaiba ng lalagyan.”
Nilagay niya umano ito sa isang PVC. Dagdag pa nito, “Basta may sampung-pisong barya, doon ko na isinu-shoot. Pag napuno na, inililipat ko sa malaking garapon ng kendi. Hanggang ayun, dumami na.”
Mahilig daw talaga umano si tatay Manny sa bike, ngunit ayon sa kanya ay mas pinili niya na ibili ito ng regalo para sa kanyang anak. Ayon kay Tatay, “Pero nag-birthday na kasi yung pangalawa kong anak noong October 18 kaya naisip naming mag-asawa na yun na ang iregalo sa kanya kasi gusto rin niyang mag-bike.”
Lumuwas sila ng kanyang manugang papunta ng Maynila para maghanap ng bike na kanyang anak.
Ayon kay Manny ay napakabigat ng mga baryang dala-dala niya. “Halinhinan kaming magbuhat ng kasama ko habang naghahanap kami ng bike sa Quiapo. Para kaming may buhat na batang mabigat.”
Dahil naman sold out na ang bike na gusto ng kanyang anak ay napilitan itong maghanap ng ibang bike upang hindi rin naman masayang ang pagod nila. Dagdag pa ni Manny, “Ang gusto sana ng anak ko, e, yung offroad bike. Nasa PHP32,000 ang presyo nun. Dala ko naman ang halagang iyan. Yung iba papel, yung PHP13,000 ang puro sampung-pisong barya. Pero dahil wala ngang stock, iba na yung binili ko. Doon ko ibinayad yung PHP13,000 na barya. Tuwang-tuwa nga yung nasa Bisikleta Manila habang binibilang namin.”
Pagbabahagi pa ni Manny, “Pagdating namin, hindi agad kumbinsido yung anak ko kasi nga iba ang gusto niya. Pero nang masakyan niya at magamit, natuwa na siya. Nagustuhan na niya.” Ipinagpapatuloy parin ni Manny ang pag-iipon dahil tila naging habbit na niya umano ito. Ayon sa kanya, “Nakakatuwa kasi lalo na pag malaki ang naipon.
Nag-post din ang Bisikleta Manila sa kanilang Facebook Page ng mga larawan ni tatay Manny. Narito ang naging caption ng kanilang post, “The whole team is so proud of you, Sir Manny Herrera of Bacoor, Cavite, for your hard work and determination in getting the bike of your dreams.
“May you and your son enjoy your new bike. Happy to see you today. We got so inspired.”
You May Also Read:
0 comments :
Post a Comment