Ang ating mga magulang ay talagang maituturin nating Bayani ng ating buhay, kaya’t marami sa atin ang pursigeng makapagtapos ng pag-aaral para sila ay masuklian at maging payapa sa kanilang pagtanda.
Di hamak ang sakripisyo at paggapang nila upang maibigay lamang sa atin ang suporta ng tayo ay makapagtapos sa ating mga pag-aaral. Kahit ano pa mang uri ng trabaho ay kanilang gagawin basta’t ito ay marangal at makatulong sa pamilya.
You May Also Read:
91-Anyos na Matandang Gumagapang, Napakanta sa Kabila ng Kapansanan.
Katulad na lamang ng tatay na si Cristito Quimaldo, 54 taong gulang, na pinatunayan ang kaniyang pagmamahal sa kaniyang mga anak sa pamamagitan ng pagtatrabaho nito bilang isang basurero sa loob ng dalawang dekada.
Sa loob ng dalawampu’t taon, gigising na si Tatay Cristito ng 3 ng umaga araw araw para lamang makapagtrabaho ng 4 ng umaga.
Kumikita lamang siya ng 500 pesos sa kaniyang pangongolekta ng basura. Ngunit sa kabila ng maliit na kita, nagawa niya pa ding mapag-aral ang kaniyang apat na anak.
Aniya, “Mahirap, andyan lahat. Masugatan ka, halo-halo kasi minsan may mga bubog. Lahat ng klase ng basura, ginagawa ko para sa pamilya ko.”
Ngunit, mayroon ding pagkakataon na ang kaniyang kinikita ay hindi sapat para sa kanila.
“Mahirap, kasi marami akong anak. Pero kahit mahirap, kinakaya ko. Minsan wala kaming makain.”
Ngunit, dahil sa kahirapan na nararanasan, ito ang nag uudyok kay Tatay Cristito upang mabigyan ng mas magandang buhay ang kaniyang mga anak, partikular na ang makapagtapos sila ng kanilang pag-aaral.
“Hanggat malakas ako, pipilitin kong makapagtapos silang lahat. Yung pag-aaral nila hindi ko pinababayaan kasi yun lang yung ano ko sa kanila—makatapos sila.”
Ngunit, ang kaniyang pagtatrabaho ng ilang dekada ay kamakailan lamang ay nasulit dahil napagtapos na niya ng kolehiyo ang isa sa kaniyang mga anak nitong April ngayong taon. Ang kaniyang anak na babae na si Jenny Rose ay nakapagtapos sa kursong Bachelor of Science degree in Nutrition and Food Technology.
“Minsan, pumapasok akong walang baon, pero nagpapasalamat ako sa Diyos na siya ang tatay ko kasi marangal ang trabaho niya. Wala siyang ginagawang ilegal,” pagbabahagi ni Jenny Rose.
Hindi din kinakahiya ni Jenny Rose ang trabaho ng kaniyang ama bagkus ay proud na proud pa siya sa kaniyang ama dahil nagagawa nitong mabigay ang kanilang pangangailangan kahit ito ay basurero lamang.
“Pag tinatanong ng tao, ‘Anong ginagawa ng tatay mo?’ Sumasagot yan, ‘Basurero!’ Hindi siya nahihiya,” saad ni Tatay Cristito.
Dahil ang kanilang kwento ay naitampok sa isang programa sa GMA News na DigiDokyu, isang international non-profit group naman ang nag-alok ng tulong sa pamilya.
You May Also Read:
0 comments :
Post a Comment