Misis, Namaga,Nangitim ang Mukha at Pumanaw Dahil Diumano sa Pampaganda na Pinahid niya sa Mukha.

May mga kasabihan tayong naririnig na “Kapag pinanganak ka daw na pangit ay ok lang yun, pero kapag namatay kang pangit pa rin kasalanan mo na daw yun”.

Ang kagandahan ay hindi lang naman sa pisikal na kaanyuan ang batayan. Subalit, di naman natin maitatanggi, kahit maganda na nga ay nagpapaganda pa rin paano pa kaya yung di kagandahan ang mukha?

You May Also Read:

Netizen, Naawa sa Kalagayan ni Tatang na Naging Palaboy na sa Daan at May Kapansanan.

Pasahero, Nabahala sa Kasamang Babae dahil Sa mga Gold at Pera nito na Nakalabas sa Bag, Pero ” SANA ALL” daw.

Lalaki, Ginustong Maging “Black Alien” Pinatanggal ang Labi at Ilong, Subalit Hirap na Magsalita

Sa ngayon kasi may mga produktong nagbibigay ng flawless at crystal clear skin sa abot kayang halaga lamang. Kaya marami ang na-eenganyo na sumubok rin at may mga sinwerteng hiyang naman sa nasabing mga produkto.

Subalit ang hiyang sa iba, ay pwedeng hindi pala hiyang sayo at pwedeng magdulot ng komplikasyon na  ikapahamak ng buhay mo.

Narito ang isang kwento na mula sa salaysay ng kanyang Mister, gaano nga ba katotoo ito? Ulat mula sa Kapuso Mo, Jessica Soho:

BABAE, NAMAGA, NANGITIM ANG MUKHA AT NAMATAY DAHIL DIUMANO SA PINAHID NA PAMPAGANDA?! AYON SA MGA DOKTOR, POSIBLE BA TALAGANG IYON ANG DAHILAN NG KANYANG PAGKAMATAY?

“‘Yung pampagandang ginagamit ng asawa ko ang nagsimula ng lahat ng ‘to!
Naka-duty siya nu’n. Sabi niya, parang masakit daw ‘yung mga mata niya. Nu’ng sumunod na araw, pulang-pula na ‘yung mata niya. Tapos nu’ng umuwi siya ng hapon, magang-maga na ‘yung mata niya! Hindi na halos makita.
Pumunta na kami sa doctor. Pagkatapos ng ilang oras, medyo lumiit na ‘yung maga ng mata niya.

Nagsimula kong napansin na may nag-iiba sa kanyang itsura nang may ginamit siya sa mukha nitong February 15. Sa umaga, kinukuskos niya ‘yung mukha niya. Pag-uwi niya sa gabi, ganoon din.
Hindi ko naman pinapakialaman ‘yung nilalagay niya sa mukha niya kasi ‘yun ang hilig niya at doon siya masaya. ‘Yun pala, sa simpleng pampapaganda, mawawala sa akin ang asawa ko!”
-Romeo,
asawa ni Evelyn

May be an image of one or more people and indoor

May be an image of one or more people


About Jov

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comments :

Post a Comment