Isang Ina, Bitbit ang Dalawang Anak Habang Nag-aaral, Laman ng Bag ay Diaper, Gatas at Gamit sa Eskwela PERO NGAYON May Master’s Degree Na!

Marami ang nagsasabi na kapag naging dalagang Ina ka ay wala ka ng patutunguhan sa buhay o kaya kapag ikaw ay nagka-anak ng di pa nakapagtapos, diyan nalang iikot ang mundo mo.

Ito ay hindi sinang-ayunan at pinatunayang mali ng isang ina na kung kanilang tawagin ay si “Mommy Joyce”. Siya ay isang estudyanteng ina na ibinahagi ang kanyang kwento upang maging inspirasyon din sa iba.

You May Also Read:

Dalagang Isa Lamang ang Binti, Nilalakad ang 4KM Na Layo at Umiiyak Dahil Nagawa Niyang Mapagtapos ang Pag-aaral.

91-Anyos na Matandang Gumagapang, Napakanta sa Kabila ng Kapansanan.

“Antigong Aparador” sa Apartment Na Tila Nababalutan ng Misteryo, Natuklasan ng Dalagang Boarder ang matagal ng Lihim.

Sabay nitong ginampanan ang pagiging ina sa kaniyang dalawang anak pati na rin ang pagiging mag-aaral. Sakay ng jeep, tricycle, UV, taxi o Grab, akyat baba sa overpass, dala dala ang malaking bag na may lamang diaper, tubig at snacks para sa mga anak, pati na rin ang mga mabibigat na libro at journals para sa pag aaral.

Yan ang sakripisyong kinakaharap ni Mommy Joyce para lang maipagpatuloy ang kaniyang pag aaral.

Bitbit aniya kasi ang kaniyang mga anak tuwing papasok sa klase, Minsan isa, minsan naman dalawang anak nito ang kasa kasama niya sa eskwela.

Paminsan ay may napapakiusapan naman ito na kaibigan o kamag-anak para magalaga sa mga anak ngunit kung walang magbabantay dito ay isinasama na ito ni Mommy Joyce na lubos namang nauunawaan ng kaniyang mga mababait na professors at kaklase.

Pagkatapos sa trabaho ng asawa ni Mommy Joyce ay didiretso ito sa paaralan upang sunduin ang mga bata. Ngunit minsan, hindi maiwasan na patapos na ang klase nito bago makapagsundo si mister.

“Napakarami naming experiences na nakakatuwa, nakakatawa, nakaka-stress at nakaka-bless.” Pagbabahagi ng estudyanteng ina.

Mayroon pang tagpo kung saan pinakiusapan ni Mommy Joyce ang kaniyang brother-in-law na magpunta sa eskwela para kargahin ang kaniyang 7-buwang gulang na sanggol dahil kailangan nitong mag-report sa klase.

“Habang nasa last few slides na ako ng aking report ay dinig na sa buong building ang napakalakas na iyak ni baby. Gutom na gutom na siya.”

Inabot ito ng limang taon sa pagaaral bago tuluyang matapos ang kaniyang Master’s degree. 3 taon gulang naman ang kaniyang panganay ng siya’y magsimulang mag-aral.

Nakakagulat pang inilahad nito ang nangyari sa kaniya noong siya’y nasa kalagitnaan ng pag-aaral.

“Huling semester ko na sa UP kaya kahit na nagkaroon ako ng c0vid sa kalagitnaan ng sem. Tuloy pa rin ako sa pag-attend ng online class”

Gayunpaman, tuloy sa pagtupad ng pangarap si Mommy Joyce at patuloy na naniniwalang napakahaba at masukal man ang paglalakbay, sa huli ay sulit naman ang maaasam na tagumpay.

Matapos ang dalawang araw na inilaan para sa huling pagsusulit ay sa wakas at nakuha na rin nito ang inaasam na Master’s degree at nakapagtapos via “virtual graduation”.

You May Also Read:

“Antigong Aparador” sa Apartment Na Tila Nababalutan ng Misteryo, Natuklasan ng Dalagang Boarder ang matagal ng Lihim.


About Jov

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comments :

Post a Comment