OFW Nagulat ng Pinalayas ng Employer, Bilihan na ng Ticket Pauwi, Matapos Humingi ng Day-off sa Apat na Buwang Paninilbihan upang Ipagluksa ang Ina

Talaga ngang ang pagiging isang OFW (Overseas Filipino Worker) ay hindi biro, di hamak na sakripisyo ang iyong magagawa alang-alang lamang sa mga naiwang pamilya dito sa bansa. Ang trabaho doon ay hindi katulad sa ating bansa, kung dito ay makapag-day off ng maayos ang mga kasambahay, doon ay di mo tiyak kung bibigyan ka rin ng day off o iko-konsidera ang mga bagay- bagay na gusto mong gawin.

You May Also Read:

Isang Ama Hindi Lang Iginapang Kundi Ipinadyak Pa Ang Pangarap Ng Anak, Kaya’t Magna Cum Laude Ang Natanggap.

Lalaking Tapasero sa Tubuhan, Nag TOP sa Licensure Exam at Isa ng Ganap na Guro, Sa Kabila ng Pagtutol ng Ama.

Binatilyong Nagdaos ng Kaarawan, Masaya na sa “BAHAW” na Kanin na Ginawang Cake at May Sabaw na Siyang Kanyang Tanging Handa.

Katulad nga po ng karanasan ng isang kababayan natin sa Hongkong, siya ay nagtatrabaho kahit na walang pahinga o day off katulad ng iba. Kaya ng minsang siya ay humingi nga ng day-off dahil sa makatwirang dahilan naman na ipagluluksa nito ang inang namayapa, imbes na payagan ay tinanggal pa ito sa trabaho.

Sa loob ng apat na buwan niyang pagtatrabaho, ito yung una sana niyang day-off ngunit tila una at huli na niya ito.

Laking gulat ng OFW nang bigla na lamang siyang bilhan ng kanyang employer ng flight ticket pauwi ng Pilipinas.

Ayon kay Rose Suarez, 42, tuloy tuloy umano ang kanyang trabaho sa loob ng apat na buwan at walang day-off.

Hindi nagreklamo si Rose kahit na wala siyang day-off sa loob ng apat na buwan, ngunit ng mawala ang kanyang ina noong Abril ay nakiusap siya sa kanyang amo na magbakasyon upang ipagluksa ang ina.

Hindi makapaniwala si Rose dahil ayaw pa rin siyang payagan ng kanyang amo. Ang mas nakakagulat pa ay tinanggal na siya sa trabaho at binilhan ng ticket pauwi ng Pinas.

“April 23 po yun, Huwebes (the day her mother died). Yun po yung araw na nagpaalam ako na sa darating na Sunday off po ako. Yung araw din na yun ay tinerminate nya ako. Kaya sabi nga po niya hindi na ako mag day-off kasi sa April 30 baba na ako sa kanya,” sabi ni Rose.

Ayon kay Rose, dalawang taon at apat na buwan siyang nanilbihan sa pamilya ng kanyang employer. Kaya napakasakit sa kanya na basta basta na lamang siyang tatanggalin sa trabaho dahil lamang gusto niyang umuwi at ipagluksa ang kanyang ina.

Sagot ng kanyang amo, natatakot raw sila dahil baka mahawaan sila ng C0V1D pagbalik ng Hongkong ni Rose.

Sa huling araw ni Rose ay nagtrabaho siya hanggang hapon. Ngunit, sa tulong ng kanyang mga kaibigan doon nakakita muli ng bagong Amo si Rose.

You May Also Read:

Binatilyong Nagdaos ng Kaarawan, Masaya na sa “BAHAW” na Kanin na Ginawang Cake at May Sabaw na Siyang Kanyang Tanging Handa.


About Jov

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comments :

Post a Comment