Isa sa pinaka memorableng araw para sa dalawang taong nagmamahalan ng wagas ay ang araw ng kanilang kasal. Kadalasan sa mga magkasintahan ay pinaghahandaan ang araw na ito, nag-iipon ng pera para mas maging bongga ang selebrasyon nilang dalawa.
You May Also Read:
Sa Wakas,Willie Revillame Pinakilala na sa Publiko ang Nag-iisang Anak na Lalaki na si Juamee.
Kung nanaisin mo ang isang bonggang kasalan, tiyak malaki laki ang kailangan nyong paghandaan, mula sa venue, kasuotan at sa reception ng kasal. Ngunit, may iba namang praktikal lamang ang pinapairal. Mahalaga raw na mairaos ang kasal ng hindi na gaanong gagastos pa dahil mas iniisip daw nila ang pagsisimula ng kanilang buhay may asawa.
May mga nagsasabi kasi na mas magandang simple lamang ito dahil hindi mo rin daw alam kung kayo nga ba talaga ang sa isa’t-isa dahil siguro sa mga nangyayari sa ngayon na maraming nagpapakasal ng bongga ngunit nauwi lamang sa hiwalayan.
Subalit, marami naman ang napahanga sa magkasintahang ito na nagpakasal at umabot lamang sa 3,000 plus ang nagastos sa reception. Pwede palang ganyan lamang ang gagastusin, narito po ang kanilang kwento:
Nais nilang mag-asawa na magpakasal at huwag ng gumastos ng malaki dahil ayaw umano nilang mamroblema kung mangungutang sila para magkaroon ng bonggang reception. Ginanap ang kanilang wedding reception sa isang fast food kung saan may unli-rice at unli-sabaw. Php3,044 lamang ang kanilang ginastos para sa 15 katao kabilang na sila.
Dahil dito, marami sa mga netizens ang namangha sa newly wed couple na ito dahil ginawa nilang posible ang imposible para sa iba. Aniya ng mga netizens, maganda ang ideya na ito para sa mga nais magpakasal na gustong makatipid lalo na ngayon pand3mya.
You May Also Read:
0 comments :
Post a Comment