Ang tagumpay ng bawat isa ay nakasalalay sa kung paano natin hinaharap ang buhay at sa tulong na rin ng mga mahal natin sa buhay. Kung mananatili tayong tamad, kahit anong tulong pa ang gagawin ng ating mga magulang ay wala tayong patutunguhan.
Kaya ang tagumpay ng anak ay tagumpay rin ng kaniyang mga magulang, ito dapat ay pagkakitaan ng pagkakaisa sa pagitan ng anak na nagsusumikap at magulang nitong kumakayod rin sa hirap.
You May Also Read:
Sa Wakas,Willie Revillame Pinakilala na sa Publiko ang Nag-iisang Anak na Lalaki na si Juamee.
Ang daan patungong kaunlaran ay hindi madali, marami kang kakaharapin na mga pagsubok sa buhay kaya dapat maging matatag upang makamit ang minimithing pangarap.
Isang halimbawa nga nito ang pedicab driver na kanyang nagawang pagtapusin ang anak sa pamamagitan ng araw-araw na pagpapadyak. Hindi lamang pawis at dugo kundi dedikasyon sa araw-araw ang puhunan ng pedicab driver na ito. Alam naman natin na hindi gaano kalakihan ang kita ng mga ganitong trabaho.
Siya ay si Tatay Renato Ramos, tubong Bicol, isang pedicab driver. Kilala nga si Mang Renato na masipag at matiyaga sa kanilang lugar. Dahil na rin sa kanyang araw-araw na pagbyahe gamit ang kanyang pedicab, naihatid niya ang kanyang anak na si Sandra Estefani Ramos sa Pangarap nitong Tagumpay. Nag-aral at nakapagtapos si Sandra sa Bicol State College of Applied Science and Technology kung saan kinuha niya ang kursong Bachelor in Secondary Education at nakuha ang pinakamataas na parangal bilang Magna Cum Laude.
Kanyang iniinda ang matinding init ng araw at lamig ng ulan, tanging lakas ng katawan sa pagpadyak at pagtitiyaga ang kanyang naging puhunan para matulungan niya ang anak na maabot ang pangarap. Buong-buo din umano ang suporta ni Mang Renato sa anak na si Sandra para matapos ang pag-aaral nito. Mapagkumbaba namang pag-amin ni Sandra, “Until now I didn’t know how I was able to achieve this award. Even if I know that there are others students more intelligent than me, I still do my best. Even if I didn’t know how, I do know the people who are the reasons why I became Magna Cum Laude.”
Kaya nga kung ikaw ay may pangarap dapat mo ring pag-isipan at gawan ng paraan kung paano mo ito maabot. Kaya naman hindi lamang iginapang kundi ipinadyak niya ang minimithing diploma at edukasyon ni Sandra.
At bilang anak na tumanaw ng utang na loob sa magulang na hindi siya pinabayaan, iniuwi ni Sandra ang kanyang diploma ng may karangalan at buong pagmamalaki sa amang hinatid siya sa inaasam at pinagpagurang pangarap. Ito ang pinakamagandang regalo ng anak sa kanyang mga magulang na ginawa ang lahat para suklian ang kailang hirap.
You May Also Read:
0 comments :
Post a Comment