Ang hirap ng sitwasyon na wala kang ibang choice kundi ang kumayod kahit pa man sobrang hirap na at tila di kaya ng yung katawan.
You May Also Read:
Sa Wakas,Willie Revillame Pinakilala na sa Publiko ang Nag-iisang Anak na Lalaki na si Juamee.
Ito ang nararanasan ngayon ni Mang Roberto na taga Brgy. Gumaoc, lungsod ng San Jose Del Monte Bulacan. Maraming netizens ang nahabag sa kanyang kalagayan dahil sa paglalako nito ng mga panindang isda sa kabila daw ng kanyang mahirap na sitwasyon.
Makikitang hirap sa paglalakad si Tatang dahil sa kanyang karamdaman ngunit wala siyang ibang magawa kundi pilitin ang sariling makalako ng isda araw-araw upang magkaroon ng kita. Dahan-dahan niyang pinapasan at paika-ika na siya sa paglakad.
Ayon pa nga sa kumuha ng video na si si Carl Henry Roldan nanawagan ito sa kaniyang mga kaibigan “Mga kaibigan, kakilala na taga f.homes 1. Baka makita nyo c tatay. Bili nman kayo ng isda nya kht magkano lang. Maliit n bagay pero malaking tulong s knya.”
Sa ganitong paraan ay kahit papaano ay matulungan man lamang ang matanda sa kaniyang kalagayan upang kahit papaano ay maibsan ang hirap na nararamdaman nito sa araw-araw na paglalako ng kaniyang panindang mga isda.
Di naman naisaysay ng nagbahagi kung mayroon pa bang pamilya si Tatang at kung sino ang kasama nito sa kaniyang tahanan. Kaya kung nahihirapan tayo sa buhay at gusto ng sumuko, isipin natin na mayroong ibang nagsusumikap na mabuhay sa kabila ng problemang kinakaharap sa buhay.
You May Also Read:
0 comments :
Post a Comment