Lahat tayo ay nangangarap ng magandang bahay upang komportable nating pahingahan sa buong araw na pagkakayod. Ngunit kung ang pangarap mo ay hindi mo naman ginagawan ng paraang maabot ito, talagang wala itong katuparan. Ang mga bagay bagay na gusto nating maabot ay dapat sabayan rin ng sipag at diskarte, dahil hindi ito basta-basta makukuha lamang kapag umasa tayo sa swerte. God will make a way nga, pero dapat ikaw rin ay nagsusumikap.
You May Also Read:
Gawin nating inspirasyon si Lolo Pops, sa edad na 73-anyos siya ay masipag pa ring naglalako ng kanyang panindang polvoron at pastillas. Kahit na ganyan na ang edad ni Lolo, hindi pa rin siya tumitigil na maabot nito ang kanyang pangarap sa buhay ang kanyang “Dream House”.
Sa pamamagitan ng kanyang matiyagang pagtitinda lamang ng polvoron at pastillas ay napagawa ng unit-unti ni Lolo ang kanyang pangarap na bahay. Taong 2016 nang mag-viral sa social media si Lolo Pops dahil sa paglalako nito noong ng lollipops sa labas ng eskwelahan sa Angeles, Pampanga.
Ngunit nang magkaroon ng pand3mya ay nagsara ang pagawaan ng candy kaya siya tumigil muna. Ngunit hindi pa rin siya sumuko bagkus ay ipinagpatuloy pa rin nya ang paghahanapbuhay.
Sa loob ng isang taon, ang katas ng pagtitïnda ni Lolo Pops ng pastillas at polvoron ay nakapagpagawa na siya ng kanyang pangarap na bahay.
Ayon sa concerned netizen na si Mia Arias, nasa 62,400 followers na umano ang Shopee ni Lolo Pops. Mataas din umano ang rating ng produkto ni Lolo Pops dahil masarap ang mga paninda nito.
Talaga ngang kahanga-hanga ang sipag ni Lolo, di kailangang maging mayaman ka upang matupaad mo ang hilig mo, tamang disiplina at diskarte, pa unti-unti ay makukuha mo rin ito.
You May Also Read:
0 comments :
Post a Comment