Magulang- sila ang taong hinding-hindi ka kayang iwan kahit pa may ginawa kang masama sa kanila. Di matutumbasan ng ano mang yaman ang utang na loob natin sa ating mga magulang, kaya sa kanilang pagtanda, sana ay alagaan din sila ng tama.
You May Also Read:
91-Anyos na Matandang Gumagapang, Napakanta sa Kabila ng Kapansanan.
Hindi nga naman investment ng magulang ang kanilang mga anak na sila ang dapat umako sa pagtanda nila, pero bilang isang anak at respeto sa ating mga magulang dapat din natin silang balikan at bigyan ng magandang buhay sa kanilang pagtanda.
Katulad ni Tatay Tony Villanueva na mula sa Brgy. Rizal, Babatngon,Leyte na nasa 102 taong gulang na,patuloy pa ring lumalaban sa buhay para maitawid ang pang araw-araw na pangangailangan.
Siya po ay naghahabi ng bayong at duyan at nilalako sa mga bahay-bahay para makalikom ng pera, hindi din pangkaraniwan ang lakas niya dahil ang mabigat na duyang ginawa niya ay binubuhat naman niya para ibenta sa bayan nila. Kung sa ibang matatanda, hindi na angkop ang ganito kabigat na mga trabaho.
Dapat po sa edad ni tatay ay nasa bahay na lang nagpapahinga na at ini enjoy ang buhay. Ang larawan po ni tatay Tony ay ibinahagi ni Rhodz Jimenez Casio Salili sa isang Social Media post.
Marami ang naantig sa kalagayan ni Tatay, ang sekreto daw nya kaya napanatili nyang malakas ang sarili , ay hindi sya kumakain ng karne ng hayop, O gumagamit ng vetsin sa kanyang kina-kain. Isda at gulay lang daw ang kanyang kinakain.
Ayon naman sa mga netizen, e check daw ng pamilya ni tatay ang mga dokumento nito para makakuha ng benepisyo mula sa Gobyerno na nagkakahalagang 100,000.00 para sa mga matatanda nating kababayan na umabot sa edad na 100.
You May Also Read:
0 comments :
Post a Comment