Kahit pa man nasa modernong mundo na tayo may iilan pa ring naniniwala sa mga pamahiin, at sa mga hugis na kanilang makikita sa kanilang mga palad, partikular na nga ang pagkakaroon ng parang letrang “M” sa inyong mga palad.
You May Also Read:
91-Anyos na Matandang Gumagapang, Napakanta sa Kabila ng Kapansanan.
Talaga nga bang may implikasyon ito sa ating buhay? Swerte nga ba ang dala nito? O dapat talaga tayo magtrabaho ng todo?. May mga nagsasabi na ang ating kapalaran ay naka base sa mga linyang matatagpuan sa ating mga palad.
May mga tao daw na marunong magbasa nito, at kung may letrang “M” nga sa iyong palad, dala nito ay magandang pangitain sa buhay at sa hinaharap.
Hindi daw lahat ay may ganyang letra sa kanilang mga palad, kung inyong titignan nga ay parang may tatlong malalaking guhit sa ating mga palad. At kung maswerte na mayroon kang ganitong letra dapat mong malaman ang kahulugan daw nito.
Ang letrang M sa palad may sariling kahulugan at kahalagahan na nakapaloob dito, ito ay binubuo ng tatlong ‘Major Line’ sa palad.
‘Heart Line’ na kumakatawan at nagsisimbolo sa emosyon, ‘Head Line’ ay para naman sa katalinuhan at pagpapasya at ang huli ay ang ‘Lifel Line’ na kumakatawan sa pisikal na enerhiya o sa lakas ng tao.
Ayon sa isang eksperto at influencer na si Apple Paguio ilan daw sa mga ibig sabihin nito ay:
*Pagkakaroon ng kakayahan at kahusayan sa pamumuno.
*Pagiging ‘number 1’ o palaging nangunguna sa kahit na anong larangan na lahukan.
*Swerte sa pag-aalaga ng halaman at pagpapatakbo ng negosyo
*Pagkakaroon ng matalas na pandama o pakiramdam
Kung titignan mo ang iyong palad ngayon? Maswerte ka nga ba o tama nga kaya ang nakapaloob sa sinabi ng influencer na ito? Subalit hindi ibig sabihin na kung wala kang letrang M sa palad ay hindi kana magtatagumpay ,ang tunay na tagumpay sa buhay ay nasa ating mga kamay nakasalalay at pagsusumikap lakipan ng pananalig sa Panginoon upang ito ay lubusang makamit.
You May Also Read:
0 comments :
Post a Comment