Walang imposible sa taong gumagawa ng paraan para maabot ang kanyang inaasam. Ito ang pinamalas ng isang batang mag-aaral na kina-antigan naman ng mga mambabasa.
May mga batang namulat sa maginhawang buhay at binibigay ng kanilang mga magulang ang kanilang pangangailangan, ngunit mas nakaka-inspire ang mga batang ipinanganak mang mahirap subalit hindi sumusuko bagkus naging mapag-paraan sa buhay upang magawa ang mga tungkulin.
You May Also Read:
Anak, Naluha ng Malaman Ang Dahilan Ng Hindi Pagsabay sa Kanila ng Ama Tuwing Hapunan.
Araw ng Kasal 3 Beses na Hindi Natuloy, Sa Pang-apat, Groom Binawian ng Buhay.
Isang BABALA Para sa Mga Magulang na ang kanilang Sanggol ay Natutulog na NAKADAPA.
Ito ang kahanga-hangang ipinamalas ng batang kinilala kay Jan Kim. Dahil sa hirap ng buhay siya mismo ay gumawa ng paraan upang magkaroon ng panulat o ballpen, ito ay kanyang improvised ballpen na mayroon ngang naitulong sa kanya.
Sa simpleng bagay na iyon hindi niya magawang makabili dahil sa kawalan na rin ng pera at mas pinili niya nalang magtiis sa ginawa niyang ito.
Siya ay nasa ikalawang baitang na at nag-aaral sa Union Elementary School sa Sta. Rita, Samar.
Sa tuwing may pinapagawang sulatin o seatwork sa kanyang mga estudyante, napansin niyang maykakaiba sa batang ito.
Nung una hindi niya agad napansin ito pero ng tuunan niya ng pansin ito, nalaman niyang ballpen ang gamit ng bata imbes na lapis at ng tingnan niya ito nakita niyang tinatago ng bata gamit ang kabilang kamay ang ballpen na gamit nito.
Ngunit ng lapitan ito ng guro, nalaman niyang ang gamit na ballpen ng kanyang estudyante ay isa lamang improvise.
Ang improvised ballpen na gawa ng bata ay isang ink chamber na nilagay sa kapirasong kahoy at tinalian ng guma.
At ng tanungin ito ng guro kong bakit iyon ang kanyang gamit, ang tanging sagot ng bata ay dahil may napulot siyang daw siyang sirang ballpen kaya kinuha niya ito at ng malaman niyang may tinta pa ito, ginawa niya iyon para magamit niya pa.
Dahil nasa ikalawang baitang palang si Jan, hindi ballpen ang dapat na gamitin nito. Ngunit nakiusap siya sa kanyang guro at pinagbigyan naman ito, dahil alam rin naman siguro ng guro kong ano ang sitwasyon ng batang si Jan.
Sa salaysay ng guro, binangit niya na itong batang ito ay talagang may dedikasyon sa buhay, masipag at talagang nagpupursige dahil gusto raw nitong maging isang Guro. Napaiyak naman ang guro sa pinakitang kasipagan ni Jan at naway maging inspirasyon din sa iba.
You May Also Read:
0 comments :
Post a Comment