Maraming ibang lahi ang napahanga sa mga Pinoy pagdating sa pamilya. Pilipino lang yata ang nagbibigay ng sobrang halaga sa tinatawag na Pamilya dahil sa ibang bansa kapag nasa tamang edad na ang kanilang mga anak ay bumubukod na ito at isang independent gayun din ang mga matatanda na nananatili na lamang sa mga bahay na kung tawagin ay home for the aged.
Sa ating bansa kapag pumupunta tayo sa mga bahay ng ating kakilala lalo na sa mga probinsya, makikita mong sila ay masayang nagsisiksikan sa isang maliit na tahanan mula sa kanilang Kalolohan at mga kaapohan sa tuhod.
You May Also Read:
Anak, Naluha ng Malaman Ang Dahilan Ng Hindi Pagsabay sa Kanila ng Ama Tuwing Hapunan.
Araw ng Kasal 3 Beses na Hindi Natuloy, Sa Pang-apat, Groom Binawian ng Buhay.
Isang BABALA Para sa Mga Magulang na ang kanilang Sanggol ay Natutulog na NAKADAPA.
Isa ngang nakaka-antig na halimbawa nito ang na e-feature sa programang KMJS kung saan ang isang 75-taong gulang na lolo ay nag aalaga sa isang taong gulang niyang apo at karga-karga pa sa pagsasaka.
Si Lolo Juanito at ang kanyang asawa na si lola Rosita na 65 taong gulang ang nag-aalaga kay Javel at dala-dala rin ito hanggang sa kanilang bukid na sinasaka sa New Corella, Davao del Norte.
Hindi biro ang daan patungo sa sinasakang bukid ni lolo Juanito dahil masyadong matarik, at maputik ang daan lalo na kapag panahon ng tag-ulan. May inaakyat pa umanong talampas habang pasan-pasan si baby Javel na nasa 15-kilo ang bigat. Dagdag pa umano ang malabong paningin na nagpapahirap sa kanya.
“Napapagod ako. Nag-iiba na ang aking pakiramdam. Syempre, kailangan nating kumilos sa araw-araw. Kung hindi naman tayo kumilos, wala tayong makakain”, wika ni lolo Juanito.
Sa gitna ng pandemya at sa kabila ng kanilang katandaan ay kumakayaod parin sina lolo at lola dahil yun lang daw ang kanilang paraan upang makapag-hanapbuhay at makakain sa araw-araw.
Kahit magkalapit lang ang bahay ng mga magulang ni Javel sa bahay nila lolo Juanito ay iniwan umano ang bata sa lolo at lola nito dahil kinailangan magtrabaho ni Angel, and ina ni Javel, bilang isang kasambahay.
Nagtatrabaho din ang tatay nito bilang pintor. At dahil anim na buwan palang ng iniwan ang anak sa kanyang lolo at lola, nakasanayan na umano sa kanilang piling at umiiyak kapag kinuha ng nanay nito.
Bukod sa pag aalaga kay Javel, tinuturuan umano ito ni lolo Juanito dahil ayaw nitong maging kagaya nilang hindi nakapagtapos ng pag-aaral.
“Ang gusto ko, makapag-aral siya. ’Yang aking apo sinasabihan ko na, ‘huwag kang magganyan. Ikaw, kapag lumaki ka na, pagsikapan mo na makapag-aral ka. Para walang makakuwan sa’yo at may sarili kang pag-iisip”, wika ni lolo Juanito.
Isang malaking bagay ang pagtulong ng KMJS sa pamilya ni lolo Juanito at lola Rosita dahil ipapagamot ang kanilang mata, ipapa check-up sila at binigyan ng mga groceries at mga gamit sa pang araw-araw.
You May Also Read:
0 comments :
Post a Comment