Iba talaga ang mga alagang aso, di lang sila basta-basta taga bantay ng bahay at nagpapawala ng stress sa kanilang amo, bagkus para silang may mga utak katulad ng tao na pwedeng utusan at pagkatiwalaan.
Sa pandemyang ating kinakaharap sa ngayon, kung maaari ay hindi nalang tayo lalabas sa mga bahay dahil lubhang napaka-del1kado na dahil sa mas lumalakas na variant.
You May Also Read:
Anak, Naluha ng Malaman Ang Dahilan Ng Hindi Pagsabay sa Kanila ng Ama Tuwing Hapunan.
Araw ng Kasal 3 Beses na Hindi Natuloy, Sa Pang-apat, Groom Binawian ng Buhay.
Isang BABALA Para sa Mga Magulang na ang kanilang Sanggol ay Natutulog na NAKADAPA.
Subalit, may mga pangangailangan tayo kung kaya’t kahit isang beses sa isang linggo ay kinailangan nating lumabas at bumili ng mga ito, pwede ring magpadeliver na lamang kung may sapat kang budget.
Ngunit, marami naman ang napahanga dahil a kakaibang taga bili ng may-ari ng isang bahay. Isang lalaki mula sa Mexico ang nakaisip ng isang paraan para makapamili ng pagkain pero nang hindi nangangailangang lumabas ng bahay.
Sa socmed post ni Antonio Muñoz, makikita na inutusan niya ang kaniyang aso para mamili ng pagkain niya.
Nagpadala ng sulat si Antonio sa kaniyang aso na nagsasabing, “Hello Mr. Shopkeeper. Please sell my dog some Cheetos, the orange kind, not the red ones, they’re too hot. She has $20 attached to her collar.”
Nagbabala naman siya sa kaniyang sulat, “WARN1NG: She will bite if not treated right. Your front neighbor.”
Hindi naman nabigo si Antonio sa task na ibinigay niya sa kaniyang aso. Maya maya pa, nakita na niyang parating na ang kaniyang alagang aso at dala dala na ang kaniyang ipinabiling cheetos, lakip na rin ang sukli sa ipinabili niya.
Tuwang tuwa naman ang mga netizens na nakakita sa larawan ng aso ni Antonio na namili ng pagkain ng kaniyang amo.
You May Also Read:
0 comments :
Post a Comment