Napakasarap minsan pumunta sa mga dalampasigan upang lumanghap ng preskong hangin at magtampisaw sa malamig na tubig dagat. Subalit, dapat pala tayong maging mapagmatyag sa tuwing tayo ay nasa dalampasigan dahil pwedeng ano mang oras tayo ay mapahamak.
You May Also Read:
Anak, Naluha ng Malaman Ang Dahilan Ng Hindi Pagsabay sa Kanila ng Ama Tuwing Hapunan.
Araw ng Kasal 3 Beses na Hindi Natuloy, Sa Pang-apat, Groom Binawian ng Buhay.
Isang BABALA Para sa Mga Magulang na ang kanilang Sanggol ay Natutulog na NAKADAPA.
Ayon sa isang artikulo, mayroon daw uri ng alon na kung tawagin ay cross sea o square waves, ito nga ay hugis parisukat at nakaka aliw pagmasdan.
Ngunit kung sa inaakala natin na nakakabilib ang pangyayaring ito, huwag na nating naisin pang makakita nito sa tunay na buhay dahil sa peligrong dala nito.
Ang di natin alam na sa kabila ng nakakabilib na straktura ng alon na ito sa karagatan ay may dala pala itong panganib sa sino mang maaabutan nito.
Delikado pala ang sinasabing square waves o cross sea na ito. Ayon sa paliwanag ng mga eksperto, ang square waves ay nagiging sanhi ng pagsasalubong ng dalawang magkasalungat na direksyon ng dalawang magkaibang karagatan na kung saan ay nagsasalpukan ang mga alon sa magkaibang direksyon na nagiging sanhi ng pagkakaroon ng hugis parisukat na umaabot hanggang sa baybayin ng dagat.
Maari ding maging senyales o sanhi ng pamumuo ng mga bagyo ang square waves sa tuwing makikita ito malapit sa mga karagatan.
Ang sino mang maabutan ng square waves na ito ay delikado lalo na kung ikaw ay malapit sa baybayin. Kaya naman sinasabing kapag nakakita ka na nito ay agad na lumikas at lumayo sa along parisukat.
Bakit nga ba mapanganib ang square waves? Dagdag pa ng mga eksperto, ang along parisukat na ito ay nagtataglay ng matataas na current o ang agos ng tubig mula sa dagat kung saan ay maaring tangayin ang sinuman, maging ang mga sasakyang pandagat at higit sa lahat ay ang mga tao.
Maging mga malalaking barko ay kayang-kaya palubugin ng mapanganib na square waves kahit pa ito ay gawa sa matitibay at mabibigat na bakal.
Dagdag pa nito, sa oras na ang isang tao ay matangay ng square waves ay siguradong mahihirapan na itong makaalis at makalayo rito dahil ito ay tatangayin na papunta sa mas malalim na bahagi ng dagat.
Kaya naman nawa’y magsilbing babala ito sa sinoman na malapit sa baybayin o di kaya sa mga mahilig lumangoy sa dagat. Maging alerto sa mga square waves upang maiwasan ang anumang sakuna dahil sa malalakas na alon na tatangay sayo papalayo at maari mong ikalunod.
Marami naring naiulat na mga bangka at barko na nawawala at lalo na ang mga mangingisda na higit na nabibiktima ng mapanganib na square waves. Kaya sana ay magsilbing paalala at babala ito patungkol sa square waves.
You May Also Read:
0 comments :
Post a Comment