Minsan nang naging viral ang binatang si Janryll Tan na mula sa Cebu City dahil sa kanyang kwento na umantig sa damdamin ng mga netizen. At ngayon ay muli na naman siyang nag trending at umani ng papuri dahil sa bagong tagumpay na kanyang natamo sa buhay.

You May Also Read:

‘Kindness never gets old’: Waitress, Hinangaan Dahil sa Ibinigay na Libreng Pizza sa Lalaking Nagugutom.

“Dreams are free” 64-anyos na Tricycle Driver Grumaduate ng BS Education sa Zamboanga, Hinangaan ng Publiko

Kawawang Magkakapatid,Tinitiis Kainin ang Toyo, Niyog at Asin Matapos Maulila sa mga Magulang.

Nag-trending ang nakaka-inspire na kwento ni Janryl dahil nagtapos ang binata ng kolehiyo ‘with honors’ sa kursong Bachelor of Science in Civil Engineering habang hinahati nya ang oras noon para magtrabaho bilang isang Barangay tanod.

Gusto talaga ni Janryll na maka-ahon kayat matapos grumaduate ,ang 23-anyos na binata, ay agad na nag-review at nag-take ng board exams.

Pinagsabay nyang muli ang kanyang pagtatanod habang nagsusunog ng kilay, kagaya ng ginawa nya noong sya ay nag-aaral pa lamang kung saan isinabay nya din ang pagtatrabaho.

Sa kabutihang palad, isa sya sa mga nakapasa sa civil engineering board exams kung kaya naman sya isang ganap nang licensed civil engineer.

Namangha ang marami sa kwento nya dahil hindi lang simpleng trabaho ang pinasok ng binata kasabay ng kanyang pag-aaral: ang pagiging tanod ng barangay.

Sa kabila ng mapanghamon nyang papel sa kanilang barangay, nagawa pang mapagsabay ni Janryl ng maayos ang kanyang trabaho at pag-aaral.


About Jov

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comments :

Post a Comment