Lahat tayo ay nag-aasam ng isang tahimik at permanenteng tahanan, kung saan sabay-sabay na buo-in ang pangarap ng pamilya. Subalit di maiiwasan minsan na sa pag-umpisa ng inyong pamumuhay ay nagpapa lipat-lipat kayo ng tirahan.
You May Also Read:
Kawawang Magkakapatid,Tinitiis Kainin ang Toyo, Niyog at Asin Matapos Maulila sa mga Magulang.
Ang paglipat ng tahanan ay minsan nakaka-aliw din dahil bagong mga kapitbahay na naman ang inyong makakasalamuha at mga madidiskubreng mga bagay sa bagong bahay.
Masaya nga ito kapag nakadiskubre ka ng mga magagandang bagay, paano nga kaya kung isang nakakatakot na bagay o pangyayari ang iyong ma diskubre?
Katulad na lamang ng Pamilyang ito sa Norway, na kung saan kanilang na diskubre na ang luma at nakakatakot na painting na kanilang nakita sa attic ay pwedeng maghatid ng panibagong buhay sa kanila sa paraang hindi nila inaasahan.
Mismong anak niya na babae ay natatakot sa itsura ng painting, pero ang kanilang ama ay nag desisyon na alamin ang nakatagong lihim patungkol sa obra mestra na ito.
Sinimulan niya ang kwento kay Christian Mustad, isang kilalang Norwegian industrialist at fledgling art collector noong 1908. Dahil sa kanyang pagmamahal sa mga vintage at kakaibang collectibles, binili niya ang painting na ito na mula sa di kilalang source. Si Christian na isang Fanatical Art Enthusiast ay nabighani at nakita ang painting na ito na maganda kaysa iba.
Ang nasabing painting o masterpiece ay di umano pag-aari ng genius artist na si Vincent Van Gogh’s na may pamagat “Sunset at Montmajour”, na pinintura sa Dutch Countryside noong 1888. Inilarawan ang kagandahan ng Kagubatan na isang typical na obra maestra.
Sa maikling kwento, naniniwala si Christian na ang nabiling painting ay orihinal hanggang sa pinuntahan ito ng isang Influential French Ambassador para e-examine ang nasabing art, na ayon sa kanya ay Peke daw ito.
Napahiya at nalungkot si Christian sa narinig na balita na nagmula sa Ambassador. Nagdesisyon siyang itago na lamang ito sa attic hanggang sa nakalimutan na dahil sa haba ng panahon.
Lumipas ang ilang dekada, nabili ang bahay ng isang house collector na ibinenta din niya ngayon sa Norwegian Family.
At sa pananaliksik ng bagong may ari, napag-alamang tama nga si Christian sa kanyang paniniwala, humingi siya ng payo sa mga eksperto at nalamang ang Sunset at Montmajour ay totoo at ngayon ay pagmamay-ari na ng maswerteng pamilya na nakatira sa lumang bahay.
Ang nasabing painting ay nagkakahalaga ng around 39 million US dollars kapag ibinenta. Isang magandang house warming gift para sa bagong pamilya.
0 comments :
Post a Comment