May mga naniniwala pa ba sa mga himala? Sa modernong panahon natin ngayon, tila hindi pa rin nawawala ang mga sina-unang paniniwala ng ating mga ninuno patungkol sa mga kakaibang galaw ng mga Sto.Nino, na di umanoy may dalang himala at pahiwatig ito sa mundo.
You May Also Read:
Kawawang Magkakapatid,Tinitiis Kainin ang Toyo, Niyog at Asin Matapos Maulila sa mga Magulang.
Bawat taon, ilang araw bago ang Sinulog Festival, isang maliit na Sto. Niño sa Olango Island sa Lapu-lapu City, Cebu ang pinapaliguan ng sabaw ng buko habang nasa maliit na planggana. At habang binubuhusan, bigla umanong nasayaw ang imahen.
Sa episode ng “Kapuso Mo, Jessica Soho,” sinabi ng mga residente na ang isang dangkal na laki na imahen ay tinatawag nilang Sto. Niño Kaplag, na ang ibig sabihin ay nakita o nahanap.
Ang naturang imahe kasi na gawa sa bato, nakita lang daw ng isang lalaki na hinahampas ng alon sa dalampasigan noong 2008.
Kuwento ng nakapulot, natawag ng batang Hesus ang kaniyang pansin dahil mayroon nagsi-sitsit sa kaniya na inakala niyang tao.
Mula noon, ibinigay naman ng lalaki ang imahen sa kaniyang tiyahin at itinuring nitong anak ang Sto. Niño hanggang sa mangyari na ang mga umano’y himala.
Sabaw ng buko ang ipinagpapaligo sa imahen dahil ginagamit daw nila ang sabaw na pamahid sa katawan dahil sa paniniwala nila na nakagagaling ito ng mga karamdaman.
Pero bukod sa nagpapagaling ng mga sakit, natutupad din daw ang kahilingan ng mga tao sa naturang Sto. Niño. Gaya ng isang lola hiniling ang pagpasa ng apo sa board exam, isang ginang na natupad ang pangarap na mabuntis, at isang lalaki na nakipagkasundo sa Sto. Niño ng kaniyang debosiyon ‘wag lamang siyang magkakasakit.
Hindi raw ito ang unang pagkakataon na nagsayaw ang imahe pero ito raw ang unang pagkakataon na nai-video nila ang pangyayari.
0 comments :
Post a Comment