Isa sa mga qualifications na hinahanap ng mga employer sa kanilang aplikante ay ang pagkakaroon ng sapat na working experience na relative sa kung anong position ang bakante, may good moral character at employment record at pagkakaroon ng pleasing personality, lalo na sa mga posisyong kinakailangang humarap sa mga kliyente.

You May Also Read:

‘Kindness never gets old’: Waitress, Hinangaan Dahil sa Ibinigay na Libreng Pizza sa Lalaking Nagugutom.

“Dreams are free” 64-anyos na Tricycle Driver Grumaduate ng BS Education sa Zamboanga, Hinangaan ng Publiko

Kawawang Magkakapatid,Tinitiis Kainin ang Toyo, Niyog at Asin Matapos Maulila sa mga Magulang.

Kaya sa naging karanasan ng lalaking ito, talagag nakaramdam siya ng panghihina dahil sa pambu-bully ng mga tao sa kanyang panlabas na kaanyuan at naging hadlang upang makahanap ng trabaho na gusto niya.

Siya ay kinilalang si “Michael”, ayon sa kanya bata palang siya ay tampulan na raw siya ng tukso dahil sa kaniyang itsura.

Lalaki, sampung beses nagpa-retoke dahil sa pambu-bully at pagiging matumal ang oportunidad

Dahil dito at sa kagustuhan niyang makakuha ng hosting gigs, napagdesisyunan niyang ipagawa ang kanyang tenga at ilong. Hanggang ang pagpaparetoke niya, umabot na ng sampung beses.

Katagalan ay nakuha na rin ng events host na si Michael ang minimithi niyang itsura.

Naging tampok sa Kapuso Mo, Jessica Soho ang glow-up journey ni Michael.

Nagsagawa ng social experiment ang KMJS kung saan pinapili ang ilang netizens kung sino ang mas pipiliin nila sa dalawang events host.

KMJS: LALAKI, DAHIL SA PAMBU-BULLY AT MATUMAL ANG OPORTUNIDAD, SAMPUNG BESES NAGPARETOKE! - YouTube

Hindi nila alam, na ang dalawang pinagpilian nilang events host, ay iisang tao lamang. And before and after look ni Michael.

Kuwento ni Michel sa KMJS, “I remember noong hindi pa ganito ‘yung ayos ng mukha ko, sabi ko sa sarili ko, ‘Bakit ganito? Magaling naman akong mag-host.’ Magaling akong magsalita pero wala akong trabaho.

“Until I realized, kasi I look different. I need to improve because it’s not just the voice that most people would like to hear when they go to events.

“‘Yun ‘yung nagtulak sakin na kailangan talaga merong akong ipaayos o ipagawa.”

Dito nagsimula ang sunod sunod na cosmetic surgery ni Michael.

Dahil laging tinutukso na mukhang daga, una niyang ipinaayos ang kaniyang tenga. Sunod na nagpaayos ng ilong.

Sumunod ang kaniyang pagpapaayos ng baba, pagpapalagay ng dimples, at pagpapa-contour ng panga.

Pati ang kaniyang labi, pinalagyan niya ng lip fillers. Plakado rin ang kaniyang eyebrows na mala Korean style.

At para sa kaniyang perfect smile, nagpakabit siya ng veneers.

Hanggang sa ang kaniyang cosmetic surgeries umabot na ng sampu at halos isang milyong piso.

Nagbunga naman ang kaniyang mga sakripsyo dahil lumakas ang hosting gigs niya matapos ang mga cosmetic surgeries.

Kuwento ni Michael, “Before the pandemic, ‘yung mga gig ko minsan sa isang araw, dalawa. Isa sa tanghali, isa sa gabi.

“May mga lumalapit pa at gustong magpa-picture. I was able to host a lot of local and international pageants and travel around the world to host.

Bagamat naghilom na ang kaniyang mga sugat dahil sa kaniyang mga operasyon, ang mga alaala ng kaniyang nakaraan ay bumbabalik pa rin sa kaniya.

Bata pa lamang si Michael, tampulan na raw siya ng mga tukso.

Saad niya, “I get tired of people asking me kung may pinagawa ba ako.

“Nakakapagod magtanong ang mga tao tapos paulit ulit lang din ‘yung isasagot ko sa kanila.

“So, I decided to tell them what I’ve experienced. I was thinking it might compromise my career. I might get bullied, again.

“Is there anything I can do to please everyone? Kapag nababasa ko ‘yung mga masasakit na salita, I just close my eyes and I pray to God, sana i-enlighten niya ‘yung mga taong ‘yan, magisip sila bago sila mag-comment.”


About Jov

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comments :

Post a Comment