Dalaga, Hinimatay sa Pagod at Init Paakyat sa Bundok Para Magka Signal at Maka-Eskedyul sa Scholarship Exam.

Talagang kapuri-puri ang pinamalas na kasipagan ng estudyanteng ito na kamakailan lamang ay nag viral sa social media. Ang kanyang naging karanasan ay umantig sa mga puso ng mga netizens at naging inspirasyon sa mga kabataan.

You May Also Read:

‘Kindness never gets old’: Waitress, Hinangaan Dahil sa Ibinigay na Libreng Pizza sa Lalaking Nagugutom.

“Dreams are free” 64-anyos na Tricycle Driver Grumaduate ng BS Education sa Zamboanga, Hinangaan ng Publiko

Kawawang Magkakapatid,Tinitiis Kainin ang Toyo, Niyog at Asin Matapos Maulila sa mga Magulang.

Ito’y kwento tungkol sa isang estudyante mula sa Madlang, Aklan na hindi nagpapatinag sa kahirapan ng buhay at sa mga ‘di inaasahang pangyayari na pweding humadlang sa kanyang  pagtahak tungo sa tagumpay.

Sa pagbabahagi ni Genevie Gregorio, dahil sa kagustuhan ng kanyang pamangkin na makapagtapos ng kanyang pag – aaral ay inakyat nila ang isang bundok sa kanilang probinsya para lang makasagap ng kahit kaunting signal para makapag pa-schedule na ang pamangkin nito sa nalalapit na scholarship exam ng Aklan State University.

Inabot na sila ng ilang oras pero di pa nila naabot ang lugar na kanilang pupuntahan. Dahil sa pagod at init ng paglalakad nawalang ng malay ang pamangkin ni Genevie sa daan.

Sa kabutihang palad ay bumalik naman ang malay nito ng makapagpahinga.  Dahil sa nangyari sa kanya, imbes na piliin ang bumaba at umuwi nalang upang magpahinga, hindi ito ginaawa ng kanyang pamangkin na may matayog na pangarap at patuloy na  inakyat ang bundok.

Nais niyang makatulong sa kanyang mga magulang upang maiaahon ang pamilya sa natatamasang kahirapan. Kapwa pagbubukid ang ikinabubuhay at pinagkukunan ng kita ng kanyang magulang para makapag-aral silang magkakapatid.

“Gusto niyang tulungan ang pamilya niya. Sobrang hirap kasi ng buhay dito sa amin, malayo sa bayan.” ayon kay Genevie.

“Pagbubukid at pag-a-abaca lang ang hanapbuhay ng parents niya rito para makapag-aral sila.” dagdag niya.

Ang sarap sa pakiramdam kapag ang hirap ng mga magulang ay sinusuklian ng kanilang mga anak, na mayroong pangarap sa buhay na makaahon at maging matagumpay.


About Jov

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comments :

Post a Comment