Isang Honest”Parking Boy” na Viral Noong 2017, Naka-Graduate na Ngayon Matapos Dagsain ng Tulong.

Isang parking boy na nagviral noong 2017 dahil sa kanyang katapatan na pinamalas sa kanyang kapwa, ang ngayon ay nakapagtapos na sa Elementarya. Matatandaang nagsauli si Andrey Macabuhay ng P7,000 na kanyang napulot sa parking area sa kainan sa Sta. Maria, Bulacan.

You May Also Read:

Tao, Puwedeng ‘Maglaho’ Dahil sa Naimbentong ‘Shield’ na Tinatawag Quantum Stealth, Panuorin.

Multi-Millionaire na German, Naghahanap ng 10 Mababait na Titira sa Kanyang ‘Paraiso’ sa New Zealand.

Vendor ng Mani na may Kapansanan, Napaiyak Matapos Matangay ng H0ld-upper ang kanyang Pinaghirapan

Ayon sa nag viral na post noon ni Dindo Lorenzo, natagpuan ni Andre na isang parking boy noon ang kaniyang cash at hindi nagdalawang isip na ibalik ito sa kaniya, nasa Mcdonald’s umano siya ng ibalik iyon ni Andre. Dahil sa kabutihan ng bata, kanyang ibinahagi sa facebook ang kagandahang loob na ginawa nito.

Dahil sa kaniyang mabuting ginawa ay nagbunga ito. Dumagsa ang tulong kay Andrey Macabuhay tinulungan siyang makapag-aral.


Kaya naman ngayong 2020 ay naiulat na nakapagtapos na si Andrey ng elementarya. maraming donors ang nagbigay sa kaniya ng gantimpala na umabot ng P400,000 halaga ng scholarship mula elementarya hanggang siya ay makapagtapos ng kolehiyo sa ICA, ICP Senior High School at ICI College. Kasama rin dito ang libreng uniforms at school supplies. Mayroon din siyang natanggap na financial assistance para sa kaniyang may sakit na ina.

Ayon sa paaralan, naantig sila sa katapatan ng bata at ito ay isang mabuting ehemplo umano sa lahat upang maging tapat. Nangako din si Andre na magsusumikap siyang makapagtapos.


About Jov

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comments :

Post a Comment