Lola, Humingi ng Tulong dahil Halos ‘Di Makahinga Nang Iwan Sa Loob Ng Sasakyan Habang Nag-Shopping ang Kasamahan.

Nitong mga nakalipas na linggo, isang concerned citizen ang nagpost patungkol sa isang matandang babae na biglang nagviral sa social media. Magpapark sana itong si Grace Samillano sa S&R Alabang ng kanyang mapansin ang matandang babae na nasa loob ng itim na van.

You May Also Read:

Tao, Puwedeng ‘Maglaho’ Dahil sa Naimbentong ‘Shield’ na Tinatawag Quantum Stealth, Panuorin.

Multi-Millionaire na German, Naghahanap ng 10 Mababait na Titira sa Kanyang ‘Paraiso’ sa New Zealand.

Vendor ng Mani na may Kapansanan, Napaiyak Matapos Matangay ng H0ld-upper ang kanyang Pinaghirapan

Nag-iisa di umano si lola at nagrereklamong nagugutom at nauuhaw, habang ang iba niyang kasamang miyembro ng pamilya ay nandoon pa sa loob ng mall at nagsho-shopping, at iniwan sa loob ng sasakyan itong si Lola.

Di naman namalayan kung gaano na katagal nag-aantay si lola at sa loob ang kanyang mga kasamahan, pero halatang hindi na masyadong nagustuhan ni lola ang pananatili sa loob kung kaya’t gusto niyang lumabas pero nahihirapan sya, mabuti nalang at may isang nagmalasakit na nakakita kay lola.

Ganito na lamang ang mga nabitawang salita ng nakasaksi:

“Nakakapanggigigl ng laman! Di na makahinga ng maayos si Nanay sa sasakyan, pawis na pawis na rin siya. Nakita ko na agad siya from afar. Nung papalapit na ako, nagmamakaawa na siya na palabasin. I was parked beside her vehicle. I called the guards and other staff to page the owner of the vehicle sa loob ng SnR Alabang,” pagbabahagi ni Grace sa Facebook.

Sa kabilang dako, di naman maiwasan ng mga netizens na nakabasa sa post ni Grace na magalit sa nasabing sitwasyon ng matanda, sinisisi nila ang pamilya nito dahil sa ginawang kapabayaan sa kay lola. Sana raw ay iniwanan na lamang nila sa bahay ang matanda kung ito rin lang naman ay iiwan sa loob ng van.

Hanggang ngayon, pinagbabawalan pa ng Inter-Agency Task Force ang paglabas ng mga taong nasa edad na 65 pataas sa publiko, layunin nitong ma proteksyonan sila laban sa v1rus.


About Jov

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comments :

Post a Comment