Kamakailan lamang ay ginulantang ang social media ng mga bali-balitang may nakita umanong aswang sa parteng Visayas. Isang video ang inupload kung saan ay hina-hunting ng mga tao ang inaakalang aswang sa kanilang baryo.
You May Also Read:
Tao, Puwedeng ‘Maglaho’ Dahil sa Naimbentong ‘Shield’ na Tinatawag Quantum Stealth, Panuorin.
Vendor ng Mani na may Kapansanan, Napaiyak Matapos Matangay ng H0ld-upper ang kanyang Pinaghirapan
Pero, totoo nga kaya ito? Ano nga ba ang tinatawag na aswang?
Ang Aswang ay isang pang-mitolohiyang nilalang kung saan ito ay pinaniniwalaang kumakain ng tao at ng ibang mga hayop. Ang Aswang ay humahawig sa nilalang na Bampira na nagsimula ang paniniwala sa kanluran ng mundo.
Ang paniniwala ng mga Pilipino sa katotohanan na nabubuhay ang mga nilalang kagaya ng Aswang at iba pang nakatala sa Mitolohiyang Pilipino sa mundo ay napalawig dahil sa impluwensiya ng animismo na nagsimula sa kanunu-nunuan ng mga Pilipino gayundin sa pagdating ng mga dayuhang Espanyol sa Pilipinas.
Mayroong Iba’t-ibang uri ang aswang, katulad ng tinatawag nilang Bangkilan, ito ay uri ng aswang pinaniniwalaang magagandang dilag mula sa hanay ng Ka-Datuan, sila ay may kakayanang mag anyong aso, baboy o iba pang nilalang ng dilim.
May tinatawag ding Asbo,isang uri ng aswang na may kakayanang mag palit anyo bilang malaking aso, kumakain ng laman loob. Manananggal, Tiktik, mandurugo, balbal, Awok, kubot at marami pa.
Sa panahon ngayon, tila wala ng naniniwala sa mga ganitong uri ng nilalang, maliban sa mga probinsya ay liblib na kanayunan.
Sa mga nakaraang lingo, maraming netizens ang nag-post ng video at mga larawan di umano na nakitang Aswang sa Visayas, partikular sa Negros Occidental at Iloilo.
Ang mga nasabing videos ay kumakalat online, at ito ay naka-post sa ibat-ibang Facebook page katulad ng Ilonggo RealTalk, Radyo Bandera Sweet FM Bacolod 103.9, 3 Stars and the Sun
0 comments :
Post a Comment