Kahit anong bagay, kapag sumobra ay hindi na maganda ang epekto nito sa tao,kahit pa man may mabuting naidudulot ito, kung kaya’t dapat ay limitado at kontrolado ang paggamit nito.
Ang gadget ay malaki ang nai-ambag sa pamumuhay ng tao, hindi lamang naging libangan ito kundi nakakatulong lalo na kapag may mga applications na makakatulong sa inyo.
You May Also Read:
Tao, Puwedeng ‘Maglaho’ Dahil sa Naimbentong ‘Shield’ na Tinatawag Quantum Stealth, Panuorin.
Vendor ng Mani na may Kapansanan, Napaiyak Matapos Matangay ng H0ld-upper ang kanyang Pinaghirapan
Sa mga kabataan naman sa ngayon, karamihan ay nakababad na sa kanilang mga gadget, katulad ng cellphone, pagkatapos ng online classes nila ay naglilibang pa sila sa paglalaro din ng mga online games.
Isa sa mga trending na laro ngayon ay ang Mobile Legend (ML) bata man o matanda ay kinahiligan na ang paglalaro nito, yung iba ay pampalipas oras lamang subalit na-aad1k naman ang iba at nagdudulot na ng hindi magandang epekto sa kanilang katawan.
Kaya nakakalungkot na di-umanoy may panibagong kaso ng pagkasawi ng isang binata dahil umano sa sobrang paglalaro ng Mobile Legends.
Ayon sa ulat ng Superbalita Cebu, nasawi ang binatilyo na si Ashton Alferez, 15 anyos na taga General Santos City nang dahil sa paglalaro ng ML.
Sa pahayag ng ama na si Joy Alferez, palagi daw nagpupuyat ang anak para lang makapaglaro ng sikat na mobile game.
Dagdag pa nito, nalilipasan na rin daw ng gutom ang anak dahil mas inuuna pa nito ang paglalaro kaysa kumain.
Ayon sa findings ng doktor, cardiac arrest due to radiation ang rason ng ikinasawi ng bata.
Labis naman na nanghihiyanang ang pamilya ng binatilyo sa nangyari.
Kaya naman nag-iwan ng payo ang ama para sa mga batang mahihilig maglaro ng online games. Saad niya, dapat ingatan nila ang kanilang katawan at huwag aabusuhin.
Samantala, ayon naman sa mga eksperto ay nauuso na talaga ngayon ang online games.
Maituturing na isang adiksyon na nagdudulot ng masamang epekto sa isang tao ang pagkakahumaling sa ganitong laro kung saan nagpupuyat na ang mga players at nalilipasan pa ng gutom.
Paalala ng mga eksperto, mahalaga ang paggabay ng mga magulang at pagbibigay ng sapat na atensyon upang maiiwas ang mga bata sa ganitong uri ng adiksyon.
May isang netizen naman na nagkomento na ang ikinam4t4y ng bata ay dahil may sakit itong leukemia. Konti lamang o walang anumang epekto sa tao ang radiation na naggagaling sa cellphone.
Joshua Laven Lestino Gutual, ” Misleading news. First of all, ang radiation nga gikan sa mga CP is called non-ionizing radiation. Which means, it has a very little to no effect in the human body. If na deads man siya tungod sa sig dula, tungod na siya sa effects of sleep deprivation. Second, Ashton Alferez died because of leukaemia and not because of radiation. No hate tho Condolence sa iyang family.”
0 comments :
Post a Comment