Minsan sa dami ng ating mga problema, minabuti nating mawala na lamang bigla at para matakbuhan ang mga gumugulo sa ating isipan. Kung ito rin ay pangarap ng iilan, ang maging invisible, mukhang magkakatotoo ito dahil sa naimbentong ito.
You May Also Read:
Lalaki Mula Negros, Naninirahan sa Ilalim ng Bato dahil wala ng Pamilya.
Netizen, Nagbigay Babala sa Pagbili ng Ubas at Mansanas sa Mas Murang Halaga.
Posibleng magkatotoo ang pangarap nating maging ‘Invisible’ na katulad sa mga napapanuod natin sa pelikula, ito ay nilikha ng isang Canadian Company.
Batay sa ulat ng VOA News, inimbento ng kompanyang HyperStealth Biotechnology Corporation ang isang materyales na posibleng “magpalaho” ng tao pero matatanaw pa rin ang background o likod nito.
Tinawag na “Quantum Shield” ang makabagong imbensyon at puwede din maging “invisible” ang mga dumadaang kotse, eroplano, o nakatayong gusali.
Pero paglilinaw ng kompanya, hindi ito katulad ng “invisibility cloak” na may kapangyarihan.
“The material is not affected by the colors of what it’s trying to conceal but it does distort the background. So it’s not a magical invisibility cloak; people will know that something is hidden behind it, they just won’t be able to discern the details of what it is,” bahagi ng press release ng HyperStealth.
Umaasa ang mga nakaimbento ng “Quantum Stealth” na gagamitin ito sa mabuting paraan katulad ng military at police operations, o pagtatago ng mga mahahalagang gamit para iwas-disgrasya o nakaw.
0 comments :
Post a Comment