Ang mga taong nag-aasam ng tagumpay ay yaong may mga pinaghuhugutan at dedikasyon para maabot ang pangarap nito. Mga taong hindi iniisip ang balakid sa kanilang buhay bagkus ito ay ginagawa nilang inspirasyon upang makamit ito.

You May Also Read:

Lalaki Mula Negros, Naninirahan sa Ilalim ng Bato dahil wala ng Pamilya.

Netizen, Nagbigay Babala sa Pagbili ng Ubas at Mansanas sa Mas Murang Halaga.

Babaeng Nagparetoke ng Ilong, Di Alam Na Nawala ang Isang Parte ng Kanyang Tenga na Ginamit sa Operasyon.

Katulad na lamang ng isang batang babae na kahit walang sapatos ay humakot pa din ng mga gintong medalya at siya ang pambato ng Balasan, Iloilo sa sinalihang running competition sa naturang lalawigan.

Nanalo ang estudyanteng si Rhea Bullos sa mga kategoryang 400m, 800m, at 1500m run (elementary girls) sa idinaos na Iloilo School Sports Council Meet  nitong Disyembre 9.

Pero maliban sa karangalan, mas pumukaw sa atensiyon ng publiko ang inilagay ng batang atleta sa kaniyang mga paa, hindi sapatos ang kanyang suot kundi mga plaster  na nagsisilbing proteksyon niya sa kanyang mga paa.

Ayon kay Predirick B. Valenzuela, nagpapahinga si Bullos nang mapansin niyang tadtad ng plaster ang paa ng musmos at nakasulat doon ang pangalan at logo ng isang kilalang brand ng sapatos.

Ang nakita niyang sapin, nagsilbing rubber shoes ng manlalaro sa buong paligsahan.

Bumuhos ang papuri at tulong para sa dalagita matapos ibahagi ng lalaki sa social media ang sitwasyon ng mag-aaral.

Sa ngayon, umabot na sa mahigit 50,000 likes and shares ang nakaantig na kuwento.


About Jov

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comments :

Post a Comment