VIRAL: Di Umanoy Nirereklamong Pekeng Itlog na Nabili ng Netizen, Hindi Nababasag ang Yolk Kahit Pigain.

Sa pag-unlad ng teknolohiya, tila umunlad rin ang utak ng mga taong mapanlinlang sa kanilang kapwa, ginagawa ang mga bagay na hindi mabuti para sa mabilisang pera.

You May Also Read:

Lalaki Mula Negros, Naninirahan sa Ilalim ng Bato dahil wala ng Pamilya.

Netizen, Nagbigay Babala sa Pagbili ng Ubas at Mansanas sa Mas Murang Halaga.

Babaeng Nagparetoke ng Ilong, Di Alam Na Nawala ang Isang Parte ng Kanyang Tenga na Ginamit sa Operasyon.

Naging matalino na ang mga taong manlol0ko katulad na lamang sa naging trending na usap-usapan sa social media ukol sa reklamo ng dalawang residente mula sa Cainta, Rizal tungkol umano sa pekeng itlog na kanilang nabili.

Ayon sa uploader na si Ritz Egegamao, hindi umano nababasag o napipisa ang pula ng itlog kahit kurut-kurutin o pisi-pisilin.

Dagdag pa niya, bilog na bilog at nakahiwalay raw ang pula ng kahin-kahinahalang itlog.

“Kapag ito ganun pa rin, pakikalat na lang. Oh wala! Ganun pa rin!,” sambit ni Egegamao bago ito iluto.

“Pagkaprito ko, natanggal agad yung yellow nyan. O tingnan mo? Peke! Peke!” giit pa ng netizen.

Pahayag ng nagrereklamo, itinuturing niya itong peke dahil ngayon lang siya nakapansin ng ganoong klaseng itlog.

Ngunit depensa ng Department of Agriculture at Philippine Egg Board, fake news ang alegasyon na kumakalat ngayon sa internet.

Sa panayam ng programang 24 Oras kay Engr. Arnel de Mesa, regional executive director ng DA-Calabarzon, puwede itong suriin sa kanilang laboratoryo para maberipika kung anong taglay na composition ng umano’y pekeng itlog.

Normal lang rin umano na tumigas ang pula ng itlog kapag galing sa refrigerator.

Paglilinaw ni Gregorio San Diego Jr, chairman ng Philippine Egg Board, may mga palatandaan kung bago pa ang ibinebentang itlog sa merkado.

“Yung fresh egg, matambok yung kanyang yolk. Yung malapit nang masira ang itlog, flat yung yolk. O kaya yung iba, parang basag na yung yolk,” ani San Diego.

Ang ilang netizens, sumang-ayon sa pahayag ng mga eksperto.


About Jov

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comments :

Post a Comment