Syrian Vlogger, Pinakyaw ang Balut sa 3x na Halaga ng 82-Anyos na Vendor at Inihatid Pauwi Para Masiguro ang Kaligtasan nito.

Hindi lamang pala kapwa pinoy natin ang tutulong sa atin, dahil marami pang mga mabubuting tao na ibang lahi ang gustong tumulong sa atin. Ito ay napatunayan ng isang kilalang Syrian Vlogger na si Basel Manadil.

You May Also Read:

Lalaki Mula Negros, Naninirahan sa Ilalim ng Bato dahil wala ng Pamilya.

Netizen, Nagbigay Babala sa Pagbili ng Ubas at Mansanas sa Mas Murang Halaga.

Babaeng Nagparetoke ng Ilong, Di Alam Na Nawala ang Isang Parte ng Kanyang Tenga na Ginamit sa Operasyon.

Tinulungan ni Basel ang isang 82-anyos na balut vendor na nagtitinda sa Biñan, Laguna. Matapos makatanggap ng retrato ng lalaking kinilala bilang si Lolo Fernando at nang marinig ang kanyang kwento, agad na hinanap ni Manadil ang lokasyon nito.

Sa ibinahagi niyang Facebook post, sinabi nitong malambot raw ang kanyang puso pagdating sa mga matatanda.

Aniya, “I have soft spot sa mga elders, na sana ay nagrerelax nalang while on their golden age pero in reality marami pa din sakanila ang kumakayod para sa pamilya.”

Mismong araw na malaman ang storya ni Lolo Fernando, agad nagtungo sa lugar si Manadil at makalipas ang ilang oras na byahe, naabutan niya ang lalaki na nagtitinda pa rin sa dis-oras ng gabi.

“Pinakyaw ko na lahat ng paninda, x3 ng presyo at kinuha ko na lahat ng paninda at inihatid si lolo ng safe sa kanyang bahay to make sure hindi makulit si lolo at ititinda pa din nya ang kanyang mga balut.😅 kwento niya.

Labis naman ang paghanga ng netizens sa kabutihang ginawa ni Manadil.

May nakapagsabi, “Thanks Basel for being such a good person! I’m praying that you stay healthy and successful so that the Hungry Syrian Wonderer can continue helping the needy Filipino people!
God Bless!”

Marami na rin palang natulungan itong si Basel maliban kay Lolo na lalo pang kinahanga ng mga netizens. Nawa’y marami rin ang tumulad kay Basel na makapagbigay ng tulong sa mga lubusang kapos sa  buhay.


About Jov

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comments :

Post a Comment