Ayon nga sa kasabihan na “Walang permanente dito sa mundo, maliban sa pagbabago” kung kaya’t lahat ng nandirito sa mundo ay maglalaho, tayo ay mayroon ding katapusan dito sa mundo kung kaya’t gawin nating makabuluhan ang ating buhay.
You May Also Read:
Ilog sa Nueva Ecija, May Elemento raw na Nangunguha ng mga POGING Turista?
Lalaki, Labis ang Pagsisisi ng Ibenta ang Kidney Para Makabili ng iPhone.
Sobrang Kawawa: 85-anyos na Matanda, Binuhusan ng Anak na Tomboy ng Pagkaing Baboy.
Sa ating pagtanda ay hangad nating makasama ang ating mga mahal sa buhay, hindi natin alam kung hanggang kailan na lamang tayo mamumuhay dito.
Malaki ang ating naging utang na loob sa ating mga magulang, sana naman ay sa kanilang paglisan, mabigyan din natin sila ng tamang atensyon at pag-aalaga. Katulad na lamang po sa matandang lalaki na ibinahagi ng netizen na si Jenny Rose Ventura.
Marami ang nadurog ang puso sa kanyang larawan dahil makikitang nakahiga na lamang ito at umiihi na sa kanyang salawal, ni walang isang anak daw niya ang nag-aalaga sa kanya.
Kaya naisip ni Jenny Rose na ibahagi ito upang makahingi ng tulong dahil sa kanyang nakakaawang sitwasyon, namamalimos na lamang daw ang matanda at nakatira lamang sa isang barong barong. Nakakain lamang din daw ito kapag mayroong nag-aabot dito.
Kaya naman hiling ni Jenny na sa pamamagitan ng kaniyang post ay mas marami ang makapansin sa kawawang matandang ito at marami ang makapagbigay dito ng tulong.
Samantala, kaagad namang naging viral sa social media ang naturang post ni Jenny at umani ng iba’t ibang reaksyon mula sa mga netizens.
Ang ilan ay hindi mapigil na magalit sa mga anak ni tatay dahil pinabayaan na lamang nila ito. Hindi man lamang nila ibalik kay tatay ang pag-aalalaga at pagmamahal na binigay niya sa mga ito noong siya ay malakas pa at mga bata pa ang kaniyang mga anak.
Hiling din ng maraming netizens na sana ay makarating sa programa ni Raffy Tulfo ang kalagayan ng matanda para ito ay mas mabigyan ng tulong.
0 comments :
Post a Comment