May mga tao talagang lapitin ng swerte, yung di naman nila inaasahan ngunit magbibigay pala sa kanila ng yaman at maging daan upang maka-ahon sa buhay.
Lahat naman tayo ay ganyan ang goal, ang makapamuhay ng payapa at financially stable. May mga bagay na di natin minsan pinapansin ngunit sila pala ay may halaga na di natin alintana.
You May Also Read:
Katulad na lamang sa kwento ng buhay ni tatay, siya ay isang mangingisda at heto ang tangi niyang alam na hanapbuhay upang may maitustos sa kanyang pamilya.
Sinong mag-aakala na isang araw ay mayroon siyang matatagpuan na isang napakahalagang bagay habang siya ay naglalakad sa dalampasigan? Isang suka ng balyena o whale vomit ang kaniyang natagpuan sa Laem Thalumpuk Beach.
Agad namang inuwi ni Narit, 60 taong gulang, ang batong ito sa kanilang tahanan. Noong una ay inakala pa niyang ordinaryong mineral o bato lamang ito ngunit matapos niyang magsaliksik sa internet ay napag-alaman niyang isa pala itong ambergris.
Ang ambergris ay isang mamahaling mineral na nakukuha lamang sa isang balyena. Ang natagpuan ni Narit ay may timbang na 100 kilogramo at nagkakahalaga pala ng tumataginting na $3.3 milyon!
$3.3 milyon!
Ang mineral na ito ay hindi magaspang kapag tinapat at pinainitan sa apoy. Pangunahin itong ginagamit sa paggawa ng mga pabango dahil nakatutulong itong mas mapatagal ang amoy ng pabango sa katawan.
Ayon sa ilang mga ulat ay mayroon na ring ilang nagnanais na bilhin ang natagpuang ambergris ni Narit. Marami ding mga eksperto at siyentipiko ang nagnanais na makita at pag-aralan ang batong ito.
Noon pa man ay marami na ang nakakakita at nakakatagpo ng ambergris sa Thailand. Noong 2019 ay mayroong isa pang mangingisda na nakahanap ng 6.5 kilo nito na naibenta niya ng halagang $470,000!
Isang scavenger din ang nakahanap ng 16 kilo ng suka ng balyena na nagkakahalaga nama ng B20 million!
You May Also Read:
0 comments :
Post a Comment