Heto Pala ang Dahilan Kung Bakit Napakamura at nasa P80.00 Lang Kada Gabi ang bayad sa Hotel Na Ito sa Japan.

Sa buhay, hindi lang puro trabaho dapat ay mayroon din tayong oras na makapag relaks at mag-enjoy habang tayo ay may lakas pa. Dahil kapag dumating ang araw na tayo ay tatanda, may oras nga tayo pero wala namang lakas para gawin ang mga bagay-bagay na makapagpasaya sa atin.

You May Also Read:

Isang Ama Hindi Lang Iginapang Kundi Ipinadyak Pa Ang Pangarap Ng Anak, Kaya’t Magna Cum Laude Ang Natanggap.

Lalaking Tapasero sa Tubuhan, Nag TOP sa Licensure Exam at Isa ng Ganap na Guro, Sa Kabila ng Pagtutol ng Ama.

Binatilyong Nagdaos ng Kaarawan, Masaya na sa “BAHAW” na Kanin na Ginawang Cake at May Sabaw na Siyang Kanyang Tanging Handa.

Isa sa ating mga pangarap ang makapag pasyal sa abroad katulad na lamang sa bansang Japan. Ang bansang Japan kasi ay may mga magagandang tanawin at ipinagmamalaki din nila ang kanilang kultura.

Hindi din biro ang perang kakailanganin mo upang mapunta at makapamasyal dito kaya naman kinakailangan mong mamili ng mga murang matutuluyan sa iyong pamamalagi doon.

Kaniya- kaniya naman ding kompitensyahan ang nagaganap sa mga hotels dahil na nga sa walang hinting pagdayo ng mga tao sa Japan.

Sa isla ng Kyushu sa syudad ng Fukouka ay mayroong matatagpuang hotel na kung saan talagang bagsak presyo ang kada gabi nito.

Tinatayang humigit kumulang P80 lang ito sa atin pagkat ang presyo nito ay $1.60 per night. Ito ay ang tinatawag na Ryokan Asahi Hotel kaya naman sikat na sikat ito sa mga turistang sapat lang ang budget.

Syempre, naroon ang mga kondisyon at dahilan kung bakit nga ba mura ang singil. Susubukan mo pa ba ito kung malalaman mong mayroong live camera sa loob ng kwarto at lahat ng gawin mo mula paggising at pagtulog ay makikita a kanilang Youtube Channel at mapapanood ng maraming netizens?

Isang kwarto lamang nila ito pinapatupad at iyon ay ang Room no. 8 na kung saan hindi madalas mapili ng mga turista kaya naman naisipan nila ang kakaibang paraan.

Aprobado naman ang nasabing pakulo ng hotel sapagkat mayroon silang patakaran na bawal ang malålå[email protected] gawain at wala din namang camera sa loob ng comfort room kaya naman ligtas na maligo dito at magpalit ng damit.

Mayroon ding pinapapirmahang Accomodation Pledge para sa mga nagtatangkang gumamit ng kwartong ito na kung saan nakapaloob ang mga patakaran at mga paalala upang maprotektahan pa din ang mga personal na impormasyon ng mga ito.

Ipinaalala din na walang responsibilidad ang naturang hotel kung sakali mang may nilabag sila sa kanilang mga patakaran at nahagip ng camera ang kanilang mga ginagawa.

You May Also Read:

Isang Baka ang Lumuha at Pinuspos ng Halik ang Taong Tumulong Magpa-anak sa Kaniya, Ngunit May Hindi Inaasahang Nangyari sa Kanya.


About Jov

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comments :

Post a Comment