Naging matunog ang pangalang Basel Manadil sa social media, siya ay isang syrian at mayrooong youtube channel na kung tawagin ay “The Hungry Syrian Wanderer”. Siya ay isang vlogger na ang napaloob sa kanyang mga video ay ang pagkawang gawa sa ating mga kapwa.
You May Also Read:
Isa sa kaniyang mga video na inupload nito lamang ay ang isang matandang lalaki na nag bebenta ng mga gulay sakay ng kaniyang padiyak. Nasilayan ito ni Basel kaya naman agad niya itong pinara upang isagawa na nga ang kaniyang mga agenda at iyon ay ang pagtulong
Makikitang sa tabi sila ng gasoline station nag usap patungkol sa mga panindang gulay na nakalagay sa basket gaya ng talong, upo, talbos ng kamote, kalabasa, sibuyas, bawang at iba pa.
Noong una ay iteral na usap lamang at biruan ang naganap hanggang sa pinakyaw na nga ni Basel ang paninda ni lolo na nagkakahalaga ng P800. Makikita din na nangangalawang at luma na din ang ginagamit na padiyak ni lolo kaya naman hirap na din itong imaneho
Kaya naman inalok ni Basel ang hindi pinangalanang matandang alaki ng P100,000 piso kapalit ng padiyak. Ngunit nagulat siya nang tumanggi ito. Katwiran ng matanda, bumili na lamang daw si Basel ng bago kaysa sa luma niyang padiyak.
Hindi magawang ipagbili ni lolo ang kaniyang padiyak dahil sentimental ito sa kaniya at marami na itong nagawang ala-ala na kahit magkano pa ang kapalit ay hindi niya ito ipagbibili. Lubos na humanga si Basel sa winika ng matanda kaya naman nagdesisyon siyang magbigay pa ng pera para sa puhunan ng pag nenegosyo
Labis na tuwa ang naramdaman ng lolo na sa wakas daw ay makakauwi na siya sa Isabela. Dahil dito, hindi lamang pagtulong ang nakamit ni Basel kung hindi ang aral sa buhay na ang mga bagay na importante sa iyo ay kailanman hindi mapapalitan ng kahit magkanong halaga.
You May Also Read:
0 comments :
Post a Comment