Aminado naman tayong lahat ng sobra ay nakakasama sa ating kalusugan o sarili. Kahit pa man sabihin nating may malaking tulong ang isang bagay, gamot, pagkain o ano man ngunit kapag ito ay sinobrahan talagang may epekto sa ating katawan.
You May Also Read:
Sa ngayon isa sa kinahihiligan ng mga kabataan ay ang pagkakaroon ng gadget, may mabuti ngang hatid ito sa atin subalit kapag ginamit ng sobra ay pwedeng malagay din sa panganib ang ating buhay.
Narito po ang isang post na mula sa isang Ina:
Viral sa social media ang post ng isang ina na si Lilibeth Eulin, matapos niyang ibahagi ang kakaibang nangyari sa kanyang anak na binatilyo na si Robin dahil umano sa labis na paggamit ng cellphone.
Ayon sa Facebook post ni mommy Lilibeth, nagtaka siya sa kakaibang ikinikilos ng kanyang anak dahil naging pawisin daw ito kahit naka bukas naman ang aircon at panay daw ang reklamo nito na nahihilo. Kwento pa nito, hindi din daw mapakali ang kanyang anak at panay ang tayo at upo nito na tila hindi malaman ang kanyang gagawin.
“It happened last night..patulog n kmi kagabi ng biglang tumayo ang anak ko n para syang nababaliw..pinagpapawisan samantalang nkabukas ang aircon..tayo upo tayo upo kamot ulo.” ayon kay mommy Lilibeth.
Naisip pa nga ni mommy Lilibeth na baka nakagat ng aso ang kanyang anak dahil halos parehas ang sintomas ng mga taong nakagat ng aso, ngunit itinanggi naman ng kanyang anak na nakagat siya. “Para syang nkagat ng asong ulol..kya tinanong ko sya kung takot sya s tubig,hangin at ilaw..pero d nman daw,so iba tlga nararamdaman nya.” kwento ni mommy Lilibeth.
Dahil dito ay nagdesisyon na si mommy Lilibeth na isugod sa ospital si Robin para malaman ang dahilan ng pagkabalisa ng kanyang anak. Ayon sa doktor, normal naman daw ang blood pressure ni Robin at agad itong binigyan ng gamot pampawala ng hilo kung kaya naman nawala na rin ang pananakip ng dibdib at pagpapawis ng anak.
Gayun paman, pinayuhan ng doktor na obserbahan muna si Robin ng tatlong araw at doon na nalaman ni mommy Lilibeth na ang dahilan umano nang kakaibang nanyari sa anak ay dahil sa sobrang pag gamit ng gadgets.
Sinabi ni mommy Lilibeth na ngayon lang niya napatunayan na masama talaga ang sobrang paggamit ng cellphone dahil sa radiation na dulot nito.
“To make the story short nakuha po ng anak ko ang kakaibang sakit dahil sa sobrang paggamit ng cellphone..opo totoo nga po pala ung mga nababasa ko akala gawa gawa lng dahil naranasan ng anak ko..” ayon kay mommy Lilibeth
“Masama po tlga ang sobrang gamit ng cp dahil s radiation…bawal din pong itabi s pagtulog ang cp at ilagay s may ulunan..God bless po..” ayon pa kay mommy Lilibeth
Magsilbi sanang aral ito sa iba, bata man o matanda dahil gaya nga ng kasabihan, anumang labis ay maaaring makasama saiyo.
“just posted this just to give u a warning…masama po tlga ang sobrang gamit ng cp dahil s radiation…bawal din pong itabi s pagtulog ang cp at ilagay s may ulunan..God bless po..
You May Also Read:
0 comments :
Post a Comment