Ayon nga sa kasabihan na “Blood is thicker than water” pero sa panahon ngayon marami ng balita na mismo mga kamag-anak, kapatid, ama at ina ang siyang mga nagsisipag-away at nagkikit1lan ng buhay.
You May Also Read:
Kaya marami ang na antig sa magkapatid na ito na makikitang mahal niya talaga ang nakababatang kapatid dahil sa kung paano niya protektahan.
Nakuhanan kasi sila ng larawan habang tinatakluban niya ang ulo ng nakababatang kapatid upang hindi ito maambunan.
Kuwento ni Trixia Masamoc sa kaniyang post sa Facebook, pumunta sa tindahan nila ang magkapatid upang bumili ng tsokolate ngunit nang sabihin niyang wala silang tinda nito ay nagmamadaling umalis ang batang babae.
“Uy, tara rito. ‘Wag kang magmadali. Umaambon o. Tara rito. Makabibili rin tayo ng Flat Tops mo. Ilagay mo ‘to sa ulo mo,” narinig ni Trixia na sabi ng Kuya sabay lagay ng jacket sa ulo ng kapatid.
“Okay nang maambunan ako, ‘wag lang ikaw.”
Natuwa si Trixia sa narinig kaya naman hiling niya, sana ay hindi magbago ang pag-aalaga ng Kuya sa kaniyang kapatid. “Sana lumaki ‘yong Kuya niyang hindi nagbabago at ganoon pa rin ang care para sa kapatid niya at sana maging mabait din si baby girl paglaki.”
Sana ay marami pang mga kabataan ang katulad nila na puno ng pagmamahal sa isa’t-isa, sila ang kayamanan ng kanilang mga magulang.
You May Also Read:
0 comments :
Post a Comment