Mga Netizens, Nangangamba Dahil Inaabot Ng Hating Gabi Ang Magandang Batang Babae Na Vendor Ng Sampaguita.

Kahit pa man may batas patungkol sa pangangalaga ng kabataan para hindi sila maabuso, hindi pa rin mapipigilan ang maraming kabataan na magtrabaho, dahil ito ay kusa daw nilang gusto upang makatulong sa kanilang magulang.

You May Also Read:

Ilog sa Nueva Ecija, May Elemento raw na Nangunguha ng mga POGING Turista?

Lalaki, Labis ang Pagsisisi ng Ibenta ang Kidney Para Makabili ng iPhone.

Sobrang Kawawa: 85-anyos na Matanda, Binuhusan ng Anak na Tomboy ng Pagkaing Baboy.

Marami tayong nakikitang palaboy na kabataan na nanghihingi ng limos, mayroon ding nagtitinda naman ng mga sampaguita, mga kakanin at iba pang marangal na trabaho para lamang magkaroon ng sentimo pandagdag sa bayad sa gastusin ng Pamilya.

Nakakahanga ang mga kabataang, sa murang edad ay namulat na at nagkaroon na ng sariling kita ng hindi naka depende sa magulang, subalit nakakaawa rin dahil sa edad nila dapat ay eni-enjoy sana nila ang yugto ng kanilang buhay.

Kamakailan ay nag trending sa social media ang isang batang babae na nagtitinda ng sampaguita, naging agaw pansin siya dahil sa taglay niyang ganda. Kinuhaan daw siya ng litrato ng nagngangalang Onnie at binigyan ng bayad sa sampaguita nito.

Hinangaan ni Onnie ang bata, ngunit nag-aalala rin siya sa pagtitinda nito na inaabot pa ng hanggang gabi.

Sa taglay na kagandahan, nangangamba si Onnie na baka may mga taong manamantala sa bata o kaya naman ay dalhin ito sa kung saan upang pagkakitaan ang kanyang ganda.

Sa kanya pa ring post, ibinahagi pa ni Onnie na nakita ulit nila ang bata pagkalipas ng ilang araw.

Ngumiti ang bata ng kunan niya ito ng litrato at panalangin ng mag-asawa na nawa’y maging ligtas ang bata sa kanyang pagtitinda sa kalsada.

Hindi nila nakuha ang totoong pangalan ng bata at kung taga saan ito, nawa’y gabayan po siya ng Diyos upang maging ligtas sa ano mang kapahamakan.


About Jov

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comments :

Post a Comment