Aminin man natin o hindi, minsan hindi na ata balanse ang sistema ng paghatol sa ating bansa, maraming mga malalaking tao na may pangalan pa ang mga nagnanakaw sa kaban ng bayan na hindi man lamang nakulong dahil sa mahabang proseso nito subalit yung mga sentimos at piso-piso lamang na nakulimbat sa mga tindahan ay walang kawala sa bakal na rehas ng ating bansa.
You May Also Read:
Ilog sa Nueva Ecija, May Elemento raw na Nangunguha ng mga POGING Turista?
Lalaki, Labis ang Pagsisisi ng Ibenta ang Kidney Para Makabili ng iPhone.
Sobrang Kawawa: 85-anyos na Matanda, Binuhusan ng Anak na Tomboy ng Pagkaing Baboy.
Bilang isang magulang ay talagang hahamakin ang lahat para sa mga anak, lalo na ngayong pandemya, halos mabaliw na sa kakaisip ang mga magulang kung saan kukuha ng pera para sa mga pangangailangan ng pamilya. Na de-depress na nga ang iilan at humahantong na sa pagbawi ng sariling buhay, yung iba naman ay hindi maiwasang maka-isip ng hindi magandang paraan.
Tulad na lamang sa nakakalungkot na pangyayaring naganap sa isang lalaki na nahuli diumano sa isang grocery store sa Bonifacio Global, Taguig City dahil sa pagnanakaw ng grocery items na naglalaman ng isang malaking pack ng diaper, 4 na pack ng gatas, isang pack ng hotdog, 10 pakete ng 3-in-1 coffee, at isang air freshener na may total diumano na Php 3,500.
Ayon sa ulat ng mga pulis, bigla raw lumabas ang suspek sa grocery store, bitbit ang mga pinamili, nang hindi dumadaan sa cashier. Dito ay nakita siya ng guwardiya ng establisimyento at hiningian ng resibo, ngunit walang naipakita ang lalaki, kaya agad siyang hinuli at ikinulong sa Taguig Police Station na ngayon ay nahaharap sa reklamong theft.
Ngunit sa halip na ikagalit ng mga netizens ang maling ginawa ng lalaki, ay kabaligtaran ang nangyari. Dahil imbes na kutyain siya sa ginawa ay naging daan pa ito upang siya ay kaawaan at matulungan.
Sa ulat ng ABS-CBN News, makikita ang napakaraming comments ng pakikisimpatya sa suspek. Marami ang nagsabing hindi na dapat hinuli at ikinulong ang lalaki, dahil marahil ay nagawa lamang niyang magnakaw para sa mga anak na nagugutom at nangangailangan.
Marami rin ang nais magpaabot ng tulong para sa lalaki at kanyang pamilya.
Narito naman ang naging komento ng iilang netizens na imbes magalit sa ginawa ni kuya, ay naki simpatya pa sa naging karanasan nito:
0 comments :
Post a Comment