Bumuhos ang Luha ni Lolo na Nakatira sa kulungan ng Baboy Matapos Tinulungan ng Isang Vlogger ng Bigong Makahingi kay Mayor.

Di lahat ng anghel ay mayroong pakpak at lumilipad na siyang pinaniniwalaan natin noong bata pa tayo, dahil ang tunay na anghel ay yaong mga taong may busilak na puso na kusang tumutulong sa kanilang kapwa ng walang hinihintay na kapalit.

You May Also Read:

Babae nag Viral, Matapos na Matapang niyang Pinakita sa Publiko ang Kaniyang Kili-Kili!

Mag-Ama, Pinagtatawanan at Kinakantyawan Dahil Nagsasaka ng Walang Kalabaw, Sir Raffy Tulfo Nahabag dahil Imbes na Kalabaw ang Naghihila,Tao ang Gumagawa.

Balut Vendor, Malungkot na Pinupulot ang mga Nagkalat na Paninda Matapos Ang Ginawang Pangungumpiska ng mga Awtoridad.

Isa nga sa taong may busilak na puso ay ang kilalang vlogger na si Virgelyn, dahil naging trending ito sa kanyang mabuting gawa at pagtulong sa kapwa. Kamakailan ay kanyang natulungan ang isang matandang lalaki na namumuhay ng mag-isa at nakatira lamang sa dating kulungan ng baboy.

Ayon sa YouTube vlog ni Virgelyn, nakita niya si Lolo Renato Barangay sa munisipyo sa Pili na napapagod na daw sa pagtayo at paglalakad. Pinuntahan pala ni Tatay Renato ang alkalde sa kanilang lugar sa pagba-bakasakali na siya ay makahingi ng tulong dito, halatang gutom na gutom si Lolo at uhaw dahil wala rin itong pera.

Ngunit dahil weekend noon nang nagpunta si Tatay Renato sa munisipyo, nabigo ito na makausap ang kanilang mayor. Gayunpaman, kaagad naman pinuntahan ni Virgelyn si Tatay Renato upang bigyan ito ng tulong, lalo na sa mga pangangailangan niya sa araw-araw katulad ng pagkain.

Nag-abot din ng pangkain kay Lolo ang isang kasapi ng MDRRMO. Bakas naman ang tuwa at saya sa mukha ni Tatay Renato dahil sa mga biyaya na kaniyang natanggap.

Bukod dito, muli ding binalikan ni Virgelyn si Tatay Renato at doon mas lalong nahabag ang damdamin ng vlogger matapos makita ang kalunos-lunos na kalagayan ng matanda.

Si Tatay Renato kasi ay nakatira lamang sa dating kulungan ng baboy. Marahil dahil na din sa katandaan at kahirapan sa buhay, hindi na magawang maayos pa ni Lolo ang kaniyang munting tahanan.

Binigyan naman siya ni Virgelyn ng mga karagdagang groceries at iba pang mga gamit sa bahay na kailangan niya. Ang naturang tulong ay mula din daw sa mga overseas Filipino Workers na nahabag din sa kalagayan ng matanda at nagpadala ng tulong para kay Tatay Renato.

Labis naman ang pasasalamat ni Tatay Renato para sa mga natanggap niyang biyaya. Bumuhos din ang luha ng Lolo dahil sa labis na kasiyahan. Naway pagpalain pa ang mga taong tumutulong sa mga katulad ni lolo.

You May Also Read:

Kahanga-hanaga ang Anak ng OFW Dahil Sa Nakakabilib Niyang IPON Sa Pamamagitan Ng Php20 Ipon Challenge


About Jov

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comments :

Post a Comment