Viral: Mag-asawa Naglilibot sa Bohol at Ngayon ay may 69 ng Bagong Bahay na Ipinamimigay, 50 Iskolar na mga Bata at Mga Hayop Pangkabuhayan.

Ang sarap sa pakiramdam na alam mong sa kabila ng mga negatibong nangyayari sa bansa ay may mga tao pa rin na selfless, at handang magbigay ng tulong sa kanilang mga kababayan ng walang kapalit.

You may also read:

Mga Pinay,Hinahanap Ngayon at Gustong Mapangasawa ng mga Lalake sa Denmark, dahil sa limitadong Populasyon Doon.

Look: Bunganga Ng Bulkang Mayon, Tinakpan ng Hugis Payong Na Ulap.

Lolo na Nakatulog Habang Nagtitinda ng Saging,Pinuri dahil sa Kasipagan at Umantig sa mga Netizens.

Ayon nga sa kasabihan ” It’s better to give than to receive” dahil ang mga taong matulungin ay mas pinagpapala diumano ng maykapal at maraming tao rin ang handang tumulong sa kanila kapag sila ang nangangailangan.

Isang nakaka inspire na halimbawa ay ang mag-asawang namimigay ng bahay para sa mga mahihirap na sa ngayon ay viral na sa social media dahil sa kanilang ginawang pagtulong.

Sa Facebook post ng netizen na si Ronald Casil, naglilibot umano sa probinsya ng Bohol ang mag-asawang sina Terrence at Beth Martin upang tumulong sa mga walang tirahan.

Ayon kay Ronald, marami ng natulungan ang mag-asawa at umabot na sa 65 na bahay na ang kanilang naipamigay at gusto pa raw nilang dagdagan ang mga ito.

Bukod sa pamimigay ng bahay ay may mga pinag-aaral din ang mag-asawa.

“Bukod sa mga binibigay ng bahay may mga pinapa-aral din ang mag-asawa at nasa higit 50 studyante ang kanilang sinu-supportahan. Dagdag rin ang mga allowance, selpon, Laptop, Printer at iba pa. Pinagawan din nila ng Boarding House ang kanilang mga studyante upang hindi na ito mahirapan sa pag-uwi sa isla,” sabi ni Ronald.

Bukod sa bahay, namimigay din sila ng “kambing, baboy, kalabaw yung ibang mga pamilya upang may magamit sila panimula sa kanilang ikinabu-buhay.”

Basahin ang buong post sa ibaba:

“ANG MAG-ASAWANG NAGLILIBOT SA PROBINSYA NG BOHOL UPANG MAMIGAY NG BAGONG BAHAY PARA SA MGA MAHIHIRAP

Ika-65 na bahay na ang kanilang pinagawa at ibibigay sa mga taong wala nang maayos na tulogan at lalo na sa mga nagtitiis sa mga sira-sirang tahanan dito sa probinsya ng Bohol.

Ayon sa mag-asawa, hindi lang hanggang ika-65 dahil may mga ka sunod pa ang mga ito at ginagawa na rin para ibigay din sa mga walang maayos na matutulogan.

Hindi nila alam kung hanggang saan at ilan ang kanilang mabibigyan ng bagong bahay dahil gusto talaga na makatulong lalong lalo na sa mga mahihirap at para narin makatulog ng maayos ang isang pamilya.

You may also read:

Lalaking Nakapulot ng Pera, Pinambili ng Pagkain at Ibinahagi sa mga Mahihirap!


About Jov

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comments :

Post a Comment