Anak,Ibinuhos ang Limang Taong Sahod Upang Maipatayo ang Two- story House na Pinapangarap ng kaniyang Ama, Kaya Unahin ang Negosyo.

Ang taong may pangarap sa buhay, ay tiyak may mararating lalo na kapag ito ay binibigyan mo ng atensyon at dedikasyong makamit balang araw.

Ito ang nagsisilbing gabay mo sa buhay, kaya nung maliit kapa ay palaging tinatanong tayo kung ano ba ang pangarap natin at nais marating sa ating paglaki.

You may also read:

Mga Pinay,Hinahanap Ngayon at Gustong Mapangasawa ng mga Lalake sa Denmark, dahil sa limitadong Populasyon Doon.

Look: Bunganga Ng Bulkang Mayon, Tinakpan ng Hugis Payong Na Ulap.

Lolo na Nakatulog Habang Nagtitinda ng Saging,Pinuri dahil sa Kasipagan at Umantig sa mga Netizens.

Isang halimbawa nito ay ang buhay ng anak ng mag-asawang kinilala kay Randy Oliverio, na sinabi sa kanyang sarili na balang araw ay makakamit nya rin ang kanyang tanging pangarap para sa kanyang pamilya. Ito ay ang maayos at magandang pamumuhay.

Ang pangako niya sa kaniyang sarili, sa wakas ay natupad makaraan ang limang taong pagtitiis.

Wika niya, iyon na daw ang huling beses na makikita niya ang kanilang bahay na luma na maraming tapal dahil sa mga butas nito na nagdudulot ng perwisyo sa kanila sa tuwing  sasapit ang tag-ulan. Taong 2014, nang sinabi din niya sa kaniyang sarili na gagawin niya ang lahat upang ma-iayos ang nilalait lait na tagpi tagping bahay.

Hindi naglaon nang makita ang malaking pagbabago sa bahay na minana pa niya sa kaniyang ama. Binase niya ang bahay na kaniyang ipinaayos sa blueprint na ginawa ng kaniyang ama bilang kanilang dream house.

“Pangarap talaga ng papa ko na maging two-story na my terrace ang bahay namin na tinitirahan, na minana pa n’ya sa magulang n’ya.

Bata pa lang ako ay lagi kong nakikita papa ko na gumagawa ng blueprint ng dream house n’ya. Siguro mga tatlong beses ko siya nakita na gumagawa ng layout sa dream house n’ya.

And praise God! Ang pangarap ng papa ko noon ay hindi na lang sa drawing ngayon kasi naging makatotohanan na. Nakulayan din sa wakas!” sabi niya

Ang perang ginamit niya sa pagpapasaayos ng bahay na ito ay galing lahat sa kaniyang sahod at kita. Madami na daw ang nagpayo sa kaniya na mas dapat pagtuunan ng pansin ang negosyo kaysa bahay dahil dito tumatakbo ang pera.

Kahit na alam niyang tama ang mga sinasabi ng iba, mas pinili niyan unahin ang bahay na pinapangarap niya para sa kaniyang pamilya.

Kwento niya, “May isang successful person ako na narinig. Sabi n’ya, siguro kung buhay pa ang magulang n’ya ngayon, lahat ng gustong kainin ibibigay n’ya; lahat ng hilingin, kung kaya, ay ibibigay n’ya.

Siguro ngayon daw pinatayuan n’ya ng maayos na bahay kahit mansion pa. Kaso hindi na inabot ng magulang n’ya ‘yong pag-succeed niya.”

“Gusto ko ibigay sa magulang ko ‘yong gusto nilang pagkain na kaya pa nila lasahan at nguyain dahil hindi pa bawal, at ito ay ma e-enjoy pa nla habang sila’y buhay pa.

You may also read:

Lalaking Nakapulot ng Pera, Pinambili ng Pagkain at Ibinahagi sa mga Mahihirap!


About Jov

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comments :

Post a Comment