Matapang na hinarap at sinagot ng kilalang singer na si Sheryn Regis ang patungkol sa tunay nitong kasarian. Tinaguriang “Crystal Voice of Asia” si Sheryn, at kamakailan nga ay naging trending ang kanyang buhay, inamin naman niya ang katotohanang ito sa isang Vlog ng kilalang Journalist na si Ogie Diaz.

You May Also Read:

Isang Ama Hindi Lang Iginapang Kundi Ipinadyak Pa Ang Pangarap Ng Anak, Kaya’t Magna Cum Laude Ang Natanggap.

Lalaking Tapasero sa Tubuhan, Nag TOP sa Licensure Exam at Isa ng Ganap na Guro, Sa Kabila ng Pagtutol ng Ama.

Binatilyong Nagdaos ng Kaarawan, Masaya na sa “BAHAW” na Kanin na Ginawang Cake at May Sabaw na Siyang Kanyang Tanging Handa.

Aniya, “Alam ko na sa puso ko bahagi ako ng L6BTQ. It’s just that I started living with a man when I was 18 years old. ‘Yun ang time na may realization ako na iba ang feeling ko, iba ang nararamdaman ko.”

Ayon pa kay Sheryn hindi niya agad naamin ang tunay niyang pagkatao dahil sa pagsunod sa kanyang mga magulang.

“So pumasok ako sa show business na, ‘Ito si Sheryn, may asawa. Ito si Sheryn, babaeng-babae. Dapat malinis, dapat ganito.’ Pero kulang na kulang, hindi ako masaya dahil naramdaman ko na hindi ako ito. Hindi ako itong Sheryn na pino-project ko. Yes, as a diva I wear gowns. Ganito naman talaga ako, babaeng-babae. Pero ang puso ko iba. Parang mas may gusto ako na hindi ko alam, kulang na kulang,” pagbabahagi pa ng singer.

Inamin naman daw niya sa kanyang dating mister na si Earl Echiverri na isa siyang l3sbian at hindi naman daw nawala ang respeto nito sa kanya. Inalagaan pa rin daw siya nito dahil ina siya ng kanilang anak. Hindi rin daw nagkulang si Sheryn sa pag-alaga sa mister.

Hindi naman daw tinago ni Sheryn sa kanyang anak na si Sweet ang tunay niyang pagkatao. Noong mag-turn 11 years old daw si Sweet, kinausap daw niya ito at inamin na isa siyang l3sbian.

Sa ngayon ay masaya na si Sheryn sa partner niyang si Mel de Guia.

Panoorin dito ang kabuuan ng usapan nila ni Ogie:

You May Also Read:

Isang Baka ang Lumuha at Pinuspos ng Halik ang Taong Tumulong Magpa-anak sa Kaniya, Ngunit May Hindi Inaasahang Nangyari sa Kanya.


About Jov

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comments :

Post a Comment