Isa sa masayang karanasan bilang isang kabataan ay ang pumasok sa paaralan bitbit ang mga bagong biling krayons, lapis, papel at mga notebook. Isa ito sa mga masasayang araw ng mga kabataan sa tuwing pasukan.
Ngunit, karamihan sa mga kabataang nasa public schools ay hindi kayang bumili ng mga bagong gamit tuwing pasukan, kanilang ginagamit ay yaong mga pinaglumaan ng kanilang mga kapatid o di kaya ay bigay ng kanilang mga kakilala.
You May Also Read:
91-Anyos na Matandang Gumagapang, Napakanta sa Kabila ng Kapansanan.
Talagang may mga kabataang tinitiis ang hirap makatapos lang sa kanilang pag-aaral.
Katulad na lamang ng isang elementary student na ito na si Harold Labutong na estudyante ng Engracio M Castañeda Elementary School sa La Paz, Tarlac.
Ang bata ay galing sa isang mahirap na pamilya na walang pambili ng mga gamit pang-eskwela. Sa katunayan, ang lapis na kanyang ginagamit ay noong nakaraang taon pa kaya naman ito ay pudpod na. Wala rin siyang magamit na pambura o eraser kaya ang ginagawa niya ay nanghihiram siya sa kanyang mga kaklase.
Isang araw, nanghiram siya ng pambura sa kanyang kaklase at sinabi nang kanyang kaklase na gawa lamang sa rubber ng tsinelas ang kanyang pambura. Dahil maliit na ito ay hirap na hirap si Harold upang burahin ang kanyang papel. Kaya naman naisipan niya ang ideya na gamitin ang kanyang sariling tsinelas bilang pambura.
Nang nakakabura ang kanyang tsinelas ay madalas na ito ang kanyang ginagamit na pambura sa kanyang mga mali sa papel. Napansin din ng kanyang guro na napakaliit na ng gamit niyang lapis, ngunit kahit hirap na hirap na ito sa pagsusulat ay nananatiling positibo pa rin ang bata para matuto at mag-aral.
Ayon rin sa kanyang guro na isang masipag at mabait na bata si Harold at hindi madamot. Kaya naman noong ang kanyang kaklase ang nanghihiram sa kanya ng pambura ay pinapahiram niya ang kanyang tsinelas para pambura.
Sa isang interview, tinanong ang bata kung ano ang gusto niyang maging sa pag-laki at nais raw niyang maging isang mangingisda tulad ng kanyang ama.
Nakakalungkot mang isipin, ang mga batang tulad ni Harold ay nakakaranas ng hirap sa kanilang pag-aaral dahil sa wala silang magamit na gamit pang-eskwela. Ngunit ang mga tulad niya ay totoong kahanga-hanga, dahil kahit na ganito ang kanilang nararanasan araw-araw ay nanatili silang positibo at may pangarap.
You May Also Read:
0 comments :
Post a Comment