Sa Murang Edad ng Batang Ito, Araw-Araw Inaalagaan at Pinapasan ang Amang May Di’Maipaliwanag na Sakit.

Hangad ng bawat magulang na mabigyang kaligayahan ang kanilang mga anak, kaya lahat ng hirap ay kanilang kinakaya upang mabigyan lamang ng magandang kinabukasan ang mga ito.

You May Also Read:

Dalagang Isa Lamang ang Binti, Nilalakad ang 4KM Na Layo at Umiiyak Dahil Nagawa Niyang Mapagtapos ang Pag-aaral.

91-Anyos na Matandang Gumagapang, Napakanta sa Kabila ng Kapansanan.

“Antigong Aparador” sa Apartment Na Tila Nababalutan ng Misteryo, Natuklasan ng Dalagang Boarder ang matagal ng Lihim.

Subalit, hindi lahat ng gusto nating mangyari ay sumasang-ayon ang panahon, dahil minsan imbes na ang magulang ang siyang mag-aalaga sa kanyang anak, tila kabaliktaran pa ang mga nangyayari.

Isang halimbawa pa nito ay ang karanasan ni Anna Marie Roga na sa murang edad niya ay nag-aalaga na sa kaniyang amang may di maipaliwanag daw na sakit. Hindi kasi nito mapigilan ang panginginig at paggalaw ng katawan ng kanyang ama at hirap nadin ito sa pagkain at pagsasalita.

Bago sya pumasok sa paaralan, ay binubuhat muna at dinadala din ni Anna Marie ang kanyang ama para dalhin ito sa tindahan kung saan nagtatrabaho ang kanyang ina. At hanggang ngayon ay hindi padin nila tukoy kung anong sakit ito, sapagkat bukod sa kapos sila sa pera ay wala ding doktor sa lugar nila.

Hindi lamang daw ang tatay ni Anna Marie ang tinubuan ng ganitong karamdaman sa miyembro ng kanilang pamilya, pati kasi ang kanyang tiyuhin ay nag karoon din ng kaparehas na sakit na naging dahilan daw ng pagkamatay nito.

Sana ay mayroong taong makatulong din sa kanila upang maipa-check sa mga espesyalista ang kalagayan ng kanyang ama.

You May Also Read:

“Antigong Aparador” sa Apartment Na Tila Nababalutan ng Misteryo, Natuklasan ng Dalagang Boarder ang matagal ng Lihim.


About Jov

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comments :

Post a Comment