Sa kabila ng mga negatibong balita patungkol sa ating komunidad, tila parang nawawalan na tayo ng ganang umasa sa ibang tao bagkus kailangan nating magsumikap upang mabuhay. Kaliwa’t kanan ang mga kr1meng nangyayari, sino na lamang ang ating dapat na pagkakatiwalaan?
You may also read:
Look: Bunganga Ng Bulkang Mayon, Tinakpan ng Hugis Payong Na Ulap.
Lolo na Nakatulog Habang Nagtitinda ng Saging,Pinuri dahil sa Kasipagan at Umantig sa mga Netizens.
Subalit, ang mga katanungang yaon ay nagbago ng dahil sa isang kahanga-hangang ginawa ng lalaki sa matanda.
Narito ang pagsasalaysay ng netizen:
Nasaksihan ng uploader na si Mandy Viray kung paano tinulungan ng isang lalaki ang isang matanda upang mabayaran ang hindi mabili-biling gamot nito. Aniya na narinig niya ang pag-uusap ng matanda at ng pharmacist sa botika.
Kwento niya,
“Nilabas niya ang supot puno ng barya. [Tapos sabi niya] pwede ba makabili kahit tig iisang piraso ng nasa reseta? P200 lang pera ko pasensya na.”
Nang may biglang isang lalaki na pumunta sa counter at nag-alok na siya na ang magbabayad ng mga gamot ng matanda.
“Biglang nagsalita yung lalaki sa tabi niya. Sabi ni kuya sa pharmacist, ‘Miss, sagot ko na yung kulang, bigay mo yung lahat ng nasa reseta ni nanay.”
Kwento ni Viray na tuwang tuwa at labis ang pasasalamat ng matanda sa di nakilalang lalaki. Dagdag pa niya na ang kabutihang ipinakita ng lalaki ay masasabing “God’s work.”
Sagot raw ng lalaki sa matanda, “Nay di sakin galing yan, sa Diyos yan galing. Sa Diyos po tayo magpasalamat.”
Wika ni Viray na ang pangyayaring ito ay nagpapaalala lamang sa atin na ang Diyos ang gumagawa ng paraan para sa atin.
“At this time of pandemic, we can all be God’s instrument in letting other people know that despite the hardships, He provides. Hindi kailangan maging mayaman para gumawa ng mabuti — kahit simpleng pagtulong sa kapwa gaya ng pagbibigay ng pagkain sa nagugutom, pagdamay sa mga napipighati, pagtulong sa nangangailangan at iba pa.”
Wala talagang imposible basta’t manalig lang tayo sa Panginoon.
You may also read:
0 comments :
Post a Comment