Dahil sa likas na maawain ang mga Pinoy, mabilis lang ang pagkumbinsi para umutang ng pera, wala namang masama sa pagpapautang kung ito ay kusang binabayaran din sa takdang palugit.

You may also read:

Mga Pinay,Hinahanap Ngayon at Gustong Mapangasawa ng mga Lalake sa Denmark, dahil sa limitadong Populasyon Doon.

Look: Bunganga Ng Bulkang Mayon, Tinakpan ng Hugis Payong Na Ulap.

Lolo na Nakatulog Habang Nagtitinda ng Saging,Pinuri dahil sa Kasipagan at Umantig sa mga Netizens.

Ngunit ang masaklap, pag dating ng araw ng singilan, lalong mas na e-estress ang inutangan dahil hindi na ito binabayaran, minsan sila ay pinagtataguan.

Pagbabayad ng P30,000 multa sa pamamahiya at pananakot sa mga may Utang isinabatas na - Pinay Ako Blog

Kaya bilang ganti na rin sa mga umuutang, pinopost ito ng mga nautangan bilang paalala na rin sa iba na wag ng pautangin pa ang taong ito.

Ngunit nitong Pebrero 29, ibinalita ng ABS-CBN na may iminungkahing panukalang batas si Sen. Sherwin Gatchalian.

MANILA – Sa paniningil ng utang, bawal dapat ang pananakot at pagpapahiya.

Ito ang mungkahi ng isang panukalang batas ni Sen. Sherwin Gatchalian na layong ipagbawal ang mga abusadong paraan ng paniningil ng utang.

Sa ilalim ng Senate Bill No. 1336 o ang “Fair Debt Collection Practices Act,” nais ni Gatchalian na ipagbawal ang “paggamit ng di makatarungan, mapanlinlang at abusadong pangongolekta at paniningil ng utang.”

Ito’y bunsod ng mga reklamo ng pamamahiya o pananakot sa mga hindi pa makabayad, lalo na sa social media, aniya.

Pagbabayad ng P30,000 multa sa pamamahiya at pananakot sa mga may Utang isinabatas na

“Layunin ng panukalang batas na ito ang pagtanggal ng abusado at hindi makatarungang pangongolekta ng debt collectors ng utang laban sa mga kababayan nating nangangailangan,” ani Gatchalian sa isang pahayag.

Aniya, “sinisiguro din ng naturang panukalang batas na maprotektahan naman ang mga debt collector na hindi nang-aabuso.”

Sa ilalim ng panukala, bawal ang sino mang debt collector na “mang-harass o mang-api” ng mga may utang. Bawal din ang “paggamit ng mapanlinlang na representasyon o pamamaraan ng pangongolekta ng utang,” ani Gatchalian.

BREAKING NEWS | Pamamahiya, pananakot sa mga may utang, nais ipagbawal sa panukalang batas - YouTube

Layunin din ng panukala na masiguro na confidential at hindi maisisiwalat sa publiko ang impormasyon ng mga may utang ng walang pahintulot.

Aabot sa P30,000 ang maaring maximum na multa sa mga lalabag.


About Jov

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comments :

Post a Comment