Isang Apo, Gumawa ng Paraan na Makalikom ng Barya Upang Mailibre ang Lolo sa Sikat na Restaurant.

Kaya tayo ay nagsusumikap dahil may mga tao tayong nais pasayahin at bigyan ng magandang buhay. Ito ang tanging pangarap ng bawat kabataan na lumaki sa hirap, na balang araw ay makaka-ahon din sa buhay at mapasaya ang kanilang mga magulang.

You May Also Read:

Isang Ama Hindi Lang Iginapang Kundi Ipinadyak Pa Ang Pangarap Ng Anak, Kaya’t Magna Cum Laude Ang Natanggap.

Lalaking Tapasero sa Tubuhan, Nag TOP sa Licensure Exam at Isa ng Ganap na Guro, Sa Kabila ng Pagtutol ng Ama.

Binatilyong Nagdaos ng Kaarawan, Masaya na sa “BAHAW” na Kanin na Ginawang Cake at May Sabaw na Siyang Kanyang Tanging Handa.

Naging isang inspirasyon at repleksyon ang kwento ng isang bata na kamakailan ay naging viral sa social media. Ang kwento niya kasi ay nakakahabag, na sa ganyang edad ay iniisip na ang kasiyahan ng kanyang pamilya. Napaka swerte ng iilan sa atin na lumaking nakukuha ang ano man nilang gusto sa buhay.

Di gaya nga ng batang ito at ng marami pang iba na pinaghihirapan ang bawat pisong natatanggap. Ang eksena ng batang ito ay nasaksihan mismo ng may-ari ng restaurant at vlogger na si Jessica Absalon tungkol sa isang Lolo kasama ng kanyang batang apo na si Joshua na matagal ng gustong makatikim ng pagkain kung anong meron sa Samgyupsal.

Ngunit dahil kapos umani sila sa pera, inaya ng Lolo ang kanyang apo na mag-iipon muna sila mula sa kanilang pamamasko. At pangako ng bata na babalik at kakain sila ng Lolo niya.

Kinagabihan ng araw na yun ay bumalik ang mag Lolo dala-dala nila ang naipong mga barya pambayad para sa Samgyupsal.

“Mga bandang 6pm bumalik sila dala dala ng bata ang 199 pesos na tig babarya para lang ma subukan ang samgyupsal,”

Nahabag si Jessica sa sitwasyon ng mag Lolo, kaya’y pinakain na niya ito ng libre at ipinauwian pa ng makakakain ang dalawa.

Ayun pa sa mga netizens na madalas na nakakakita sa mag Lolo sa Tanza, Cavite sadyang mabait at mapagmahal talaga na bata at apo si Joshua at kahit pa umulan man o umaraw, patuloy silang naglalako ng lumpia at turon para kumita.

Narito ang kanyang buong post:

Convo with JK Diner’s JK Samgyupsal Unli Korean BBQ

Joshua: Lo, try po natin dito kumain

Lolo: Anak, mag-ipon muna tayo mamaya makakapag ipon din tayo

Joshua: Sige lo, balik po kami mamaya diyan ate (mabilis niyang sinabi sa isang staff ni jk)
Hours after, medyo busy kasi sa store kaya hindi agad namin sila napansin, mag lolo sila na namamasko. Mga bandang 6pm bumalik sila dala dala ng bata ang 199 pesos na tig babarya para lang ma subukan ang samgyupsal.

Joshua: Ate ito na po nakaipon na po ako subukan po namin ni lolo kumain

Nilapitan ko nalang sila at pinalabasan ko nalang ng food para masubukan nila ng walang hinihinging bayad at dahil may natira ay pinatake-out nalang namin sila para may makakain pa sila pag-uwi nila ❤

Got some realization mga sis na we are still very lucky kung ano man ang meron tayo ngayon, learn how to be contended and appreciate things maliit man o malaki bongga nayarn.

Contentment 🥰❤ Minsan hindi na natin namamalayan na sobra sobra narin ung hinihiling natin, kaya let’s start appreciating little things sa maliit man o sa malaking bagay, always be grateful and thankful 🙏💕

You May Also Read:

Kris Aquino, Matapang na Ibinahagi sa Publiko ang Tunay na Dahilan ng Biglaang Pagpayat Nito.


About Jov

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comments :

Post a Comment