Ang pagdiriwang ng kaarawan o anumang okasyon ay hindi dapat nakabatay sa dami ng handa na nakalatag sa lamesa kundi dapat ipagpasalamat na dinagdagan ng Panginoon ang buhay nating lahat at ligtas sa pandemya kasama ang pamilya.
You May Also Read:
Marami sa atin ang ipinanganak na salat sa buhay kung kaya’t napaka swerte natin kung may mga magulang pa tayo na gagawin ang lahat maibigay ang ating pangangailangan.
Katulad na lamang sa isang kaganapan sa loob mismo ng pampasaherong sasakyan kung saan ang mga pasahero doon ay nahabag at naging aral din sa kanila kung ano nga ba ang dinaranas ng iilan nating kababayang dugo’t pawis ang tanging puhunan sa paghahanapbuhay.
Heto ang naging eksena:
Kausap ng isang Amang pasahero ng jeep ang kanyang mga Anak na sabik siyang hinihintay sa kanyang pag-uwi galing ng trabaho. May halong lungkot na pinaalam sa mga anak na maliit lang kinita niya trabaho.
“Kuya: “Oo 400 lang kinita ko ngayon yung 200 binili ko ng doughnut nyong magkapatid papasko ko na sa inyo”
“Anak: “Okay lang yun Pa Uwi kana tapos pahinga, Kahit wala tayo handa bukas basta makauwi ka okay na yon “
Maliit man na halaga lang ang kinikita ng ibang mga magulang at ng kahit ng iba pang mga naghahanapbuhay sa pamilya, busog at bawing-bawi naman sa nag-uumapaw na pagmamahal, respeto at saya na hatid ng mga taong nakasuporta at nagpapahalaga sa kanila.
Narito ang buong post:
I dont usually post sa Social Media ng mga ganito kasi super emotional ako na tao. But ikaw KUYA you deserve it
Yung malungkot kana kasi sa Work ka magpapasko tapos ganito pa maririnig ko . Kudos kay tatay na naka green grabe ka pinaiyak moko bongga Diko mapigilan yung luha ko lahat ng nakasakay napatingin sakin bakit ako umiiyak.
Convo:
Anak : “Pa asan kana wala si mama hinintay ka kanina pa”
Kuya:” Pauwi na ako nak “
Anak: “ Pa me pasalubong kang dala “
Kuya: “ Oo 400 lang kinita ko ngayon yung 200 binili ko ng doughnut nyong magkapatid papasko ko na sa inyo”
Anak: “Okay lang yun Pa Uwi kana tapos pahinga, Kahit wala tayo handa bukas basta makauwi ka okay na yon “
Alam mo yon sa maliit na halaga na kinita nya sa isang araw binili nya pa yung magpapasaya sa mga anak nya . Kahit pagod sya sa trabaho nya he still able to manage na makauwi kahit 200 nalang natitirang pera sa kanya.
Lesson: Tayo kumikita ng libo libo pero di pa tayo contented sa mga bagay bagay we still ask for more, mabuti pa sila even sa maliit na halaga there able to appreciate it Dami ko nareliaze sayo Kuya .Merry Christmas sa Inyo Kuya sayang diko na natanong name nyo bumaba kana Market eh magaabot sana ako kahit konting cash na papasko But thank you dami ko nareliaze ngayong araw na to.
You May Also Read:
Kris Aquino, Matapang na Ibinahagi sa Publiko ang Tunay na Dahilan ng Biglaang Pagpayat Nito.
0 comments :
Post a Comment