Masasabi pa ba natin na ang kabataan ang pag-asa ng ating bayan? Paano nga ba maging isang huwarang kabataan kung mismong mga magulang nila ang naging ugat upang sila ay maging problema o suliranin sa lipunan?

Talamak nanaman ang mga inaabandonang bata ng kanilang magulang. Halimbawa na lang ang nangyari kamakailan lang sa labas ng Mang Inasal Restaurant matapos magtrending ang naging post ng isang crew nito hinggil sa mga batang inabandona ng kanilang magulang.

Sa post na nagmula  kay Miss Myleen Delos Reyes De Villar isang crew ng Mang Inasal Restaurant sa People’s Park sa Valenzuela City, pinakita ang isang sitwasyon ng dalawang bata na kung saan ay iniwan na lamang ng kanilang ina at di na ito binalikan pa.

Magkapatid na iniwan ng ina para bumili raw ng payong, di na umano binalikan ▷ KAMI.COM.PH

Makikita sa larawan na karga karga ng isang bata ang isang nakababata nyang kapatid. Sila daw ay taga Tondo at iniwan daw sila ng kanyang nanay na nagpaalam lang na bibili ng payong hanggang sa hindi na sila binalikan.

Base sa panayam sa bata ay andun na sila sa gilid ng restaurant ng ala-sais palang ng umaga. Napansin ito ni Myleen dahil ang tagal ng nakaupo sa gilid ng store ang dalawang bata.

Lumipas ang ilang oras ay sinadya na itong pinuntahan ni Myleen at tinanong na ang mga bata. Ang sabi nila habang umiiyak ay gusto na nilang umuwi sa Tondo ngunit hindi nila alam kung paano.
Ang post na ito ay agad agad nagtrending at madami sa ating netizens ang nakisimpatya at nagalit sa mga magulang ng mga batang ito. Ang kanilang payak at wala pang muwang na kaisipan ay nilason na ng poot at takot dahil sa ginawa sa kanila ng kanilang magulang.

Magkapatid, Di Na Binalikan Ng Kanilang Ina Matapos Lang 'Bumili Ng Payong'

Ang pagiging magulang ay malaking responsibilidad na dapat gampanan, kaya kung tayo ay nahihirapan, hindi solusyon ang sila ay basta basta nalang iwan, bagkus tayo ay manalangin na nawa tayo’y tulungan ng Maykapal at patibayin ang loob para ito malagpasan.

Sana ay makauwi sila ng ligtas sa kanilang tahanan at ipagdasal natin ang mga batang ito na sana ay mas patatagan pa nila ang kanilang loob at wag mawalan ng pag-asa, na may magandang bukas pa para sa kanila.


About Jov

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comments :

Post a Comment