Mga Lumang Bote ng Serbesa na Natagpuan sa Kuweba ng Bohol, Aabot sa Php30,000 ang halaga ng Bawat Piraso!

Minsan ay may mga bagay tayong makikita na akala natin ay wala ng halaga dahil ito ay napakaluma at tila wala ng saysay pa. Subalit, ang mga ito pala ang magbibigay ng swerte kapag marunong tayong kumilatis kung ano nga ba ang mga ito.

You may also read:

Mga Pinay,Hinahanap Ngayon at Gustong Mapangasawa ng mga Lalake sa Denmark, dahil sa limitadong Populasyon Doon.

Look: Bunganga Ng Bulkang Mayon, Tinakpan ng Hugis Payong Na Ulap.

Lolo na Nakatulog Habang Nagtitinda ng Saging,Pinuri dahil sa Kasipagan at Umantig sa mga Netizens.

Halimbawa na lamang nito ay ang nakakagulat na rebelasyong nalaman ni Mang Erning patungkol sa mga lumang bote na kanyang nakita sa loob ng kweba.

Pagsasalayasay ni Mang Erning, Naririnig na niya ang mga balita tungkol sa mga mamahaling bote na gawa sa sikat na kompanya noong 1950s na “Halili Béer” kaya naman sinubukan niya ang kanyang swerte na mag hanap nito.

Ang bote na tinutukoy na gawa sa Halili éer company ay may larawan sa gilid ng bote ng isang kalabaw at sa uluhan nito ay may mga marka na 1950.

Tinatayang may halagang Php2,000 hanggang Php30,000 depende sa kondisyon ng bote kada piraso nito.

Ano nga ba ang Halili Beer? Narito ang kaunting Salaysay:

Ito ay pagmamay-ari mismo ng dating Gobernador ng Bulaxan na si Fortunato Halili. Sikat at kilalang béer noon ang halili béer dahil kuhang kuha ang panlasa ng mga pilipino.

Ayon kay Kyle Gianan, Pinaniniwalaan noon na mayroong karibal na kumpanya ang halili beér na sumasabotahe sa kumpanya nito at palaging binabasag ang mga bote na may laman béer ng halili company.

Noon ay wala pa masyadong gumagawa ng mga bote ng béer kaya naman para sa mga malilit na kompanya ay mahihirapan sila na mag imbak o hirap sila sa supply nito.

Hindi nagtagal ay nagsara ang Halili Béer Company dahil narin nagkasakit ang may-ari nito na si Fortunato Halili at wala ng iba pang humawak at nag patakbo nito.

Kaya naman simula noon ay naging koleksyon na lamang ang mga bote na gawa ng Halili Beér Company at hanggang sa ngayon ay marami pa rin ang naghahanap nito dahil napag-alaman na nagkakahalaga ng libo-libo ang kada piraso nito.

Samantala, Hindi naman nasayang ang pagod ni Mang Erning dahil siya ay tahimik na nagtagumpay sa paghahanap ng Halili Beer bottle.

Mga lumang bote ng beer na natagpuan sa isang kweba sa Bohol libo-libo ang halaga

Ayon sa kanyang kwento siya ay nakahanap ng tatlong bote ng halili beer at ito ay kanyang ibinenta sa halagang Php11,000 kada piraso.

Kwento pa ni Mang Erning ay labis ang kanyang pasasalamat at nakahanap siya nito dahil dito ay nabayadan niya ang kanyang mga utang at nakabili ng mga pangangailan ng kanyang pamilya at higit sa lahat ay nakabili siya ng mga baboy na alagain para gawing hanapbuhay.

Panuorin po ang video sa dagdag kaalaman:


About Jov

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comments :

Post a Comment